MASS TESTING SA ORTHOPEDIC PANAWAGAN SA DOH

NANANAWAGAN sa Department of Health (DOH) ang employees’ union ng Philippine Orthopedic Center (POC) para sa pagsasagawa ng mass testing sa kanilang pagamutan matapos na mahigit sa 100 staff nito ang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Nurse Sean Herbert Velchez, na siyang head ng employees’ union ng POC, kung kakayanin aniya ay mas maganda kung makagpasasagawa ng mass testing hindi lamang sa mga health workers ng pagamutan kundi maging sa mga pasyente nito.

“Ang aming panawagan, kung kakayanin po ay bahagi no’ng mass testing na ilunsad, hindi lamang sa mga health workers kundi sa aming mga pasyente,” ani Velchez, sa panayam sa telebisyon.

Nagpahayag ng pangamba si Velchez na mahawa rin ng COVID-19 ang mga orthopedic patients dahil kinakailangan nilang manatili ng mula dalawang linggo hanggang isang buwan sa pagamutan.

May mga pasyente rin sila na hindi kayang magbayad ng RT-PCR test kaya’t hindi makapagpa-swab test ang mga ito.

Kamakailan ay sinuspinde muna ng POC ang kanilang outpatient services, gayundin ang kanilang elective surgeries, matapos na dapuan ng COVID-19 ang may 117 nilang empleyado.

Karamihan naman umano sa mga ito ay asymptomatic at nakikitaan lamang ng mild symptoms ng sakit ngunit kinakailangan nilang mag-quarantine bago makapagtrabahong muli.

Mayroon din umanong dalawang pasyente ang kasalukuyang ginagamot sa hospital facility matapos na makitaan ng malalang sintomas ng virus.

“Unfortunately, ‘yong mga active cases ngayon ay ‘yong stratification niya ay wide-ranging din. Mula mga specialists, mga resident doctors and surgeons hanggang sa mga office staff at allied health professionals. So, talagang stretched ang staffing at the moment pero kinakaya pa naman,” ani Velchez.

Hanggang nitong Sabado, mayroon pang 216 pasyente ang naka-confine sa POC habang mayroon ding 12 COVID-19 patients na inaalagaan doon.

Sa kabilang dako, idinaing na rin ni Velchez na may health workers sila na hindi mabibigyan ng ilang benepisyo kahit pa nasa frontlines sila ng laban sa pandemya.

Tinukoy pa niya ang mga kasamahan na naka-quarantine ng dalawang linggo na hindi makakakuha ng hazard pay, na 20% ng kanilang suweldo.

Aniya, sa ilalim kasi ng rule mula sa Department of Budget and Management (DBM), ang isang government health worker ay hindi makakatanggap ng hazard pay kung hindi ito magre-report sa trabaho sa loob ng 11 araw sa isang buwan.

Umapela rin naman si Velchez sa publiko na itigil na ang diskriminasyon sa health workers, na ang ilan ay tinatanggihan umanong isakay ng mga pampublikong sasakyan, sa kanilang pag-uwi at pagpasok sa trabaho. Ana Rosario Hernandez

4 thoughts on “MASS TESTING SA ORTHOPEDIC PANAWAGAN SA DOH”

  1. 416476 902745The book is great, but this review is not exactly spot-on. Being a Superhero is much more about selecting foods that heal your body, not just eating meat/dairy-free. Processed foods like those mentioned in this review arent what Alicia is trying to promote. In the event you arent open to sea vegetables (and yes, Im talking sea weed), just stop at vegan. 307747

  2. 310123 661687Attractive part of content material. I just stumbled upon your internet site and in accession capital to claim that I acquire in fact enjoyed account your blog posts. Any way Ill be subscribing to your feeds and even I achievement you get entry to constantly speedily. 20851

Comments are closed.