UMARANGKADA na ang kahapon ng lokal na pamahalaan ng Pasay sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross (PRC) at sa gabay naman ng Department of Health (DoH) ang mass testing sa lungsod.
Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, ang layunin ng lungsod ay mapanatili ang magandang kalusugan ng mga residente ng Pasay gayundin ang mga health workers na nag-aalaga sa mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Calixto-Rubiano, bibigyang prayoridad ng lungsod sa mass testing ang mga taong may sintomas ng COVID-19, mga taong na-expose sa isang positibong kaso ng naturang virus at ang mga health workers at frontliners ng lungsod.
Alinsunod sa health guidelines ng gobyerno, ang mga susuriin ay ang mga suspect na nagkaroon ng contact sa mga may kaso ng COVID-19.
Inabisuhan naman ng Pasay City Health Office (CHO) ang mga residente na mag-papaabiso sila sa mga barangay para sa kanilang mga susunod na schedule ng Mass Testing. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.