MASS TESTING SA SBITC WORKERS INIUTOS

Wima Eisma

INATASAN  ni Subic Bay Metropolitan Autho­rity Chairperson and Administrator Wilma T. Eis­ma ang Subic Bay International Terminal Corp. (SBITC) na magsagawa ng mass testing makaraang magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang 14 empleyado nito.

Nasa 238 na mga manggagawa na kinabibilangan ng shift workers, port users, security personnel, canteen staff, at SBMA checkers ang sasailalim sa testing.

Ayon kay Eisma, isang trabahador mula sa Olongapo City ang positibo sa COVID-19 subalit wala naman travel history ito sa  high-risk area.

Dahil dito, ipinag-utos ni Eisma ang pagsasagawa ng disinfection sa buong terminal complex.

Aniya, nakikipagtulungan ang SBITC para mapigilan ang pagkalat at hawaan ng COVID-19 ang iba pang mga mangaggawa. ROEL TARAYAO

5 thoughts on “MASS TESTING SA SBITC WORKERS INIUTOS”

  1. 456584 385892Sorry for the huge review, but Im really loving the new Zune, and hope this, as nicely as the superb reviews some other folks have written, will assist you decide if it is the right choice for you. 125214

Comments are closed.