MASS TESTING SA WORKERS NG SUBIC BAY INTERNATIONAL CONTAINER TERMINAL INIUTOS

Wilma Eisma

INATASAN  ni Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson and Administrator Wilma T. Eisma ang Subic Bay International Terminal Corp. (SBITC) na magpasailalim sa testing ang lahat ng empleyado nito, matapos maiulat na nagpositibo sa coronavirus disease ang 14 na empleyado.

Ayon kay Eisma,  nanggaling  ang impeksiyon sa isang trabahador sa Olongapo City na walang travel history saan mang high-risk area.

Dahil dito, ipinag-utos ni Eisma ang pagsasagawa ng disinfection sa buong terminal complex.

Sinabi ni Eisma na nakikipagtulungan ang SBITC para mapigilan ang pagkalat at hawaan ng corona virus sa iba pang mga mangaggawa.

Nasa 238 na mga manggagawa na kinabibilangan ng shift workers, port users, security personnel, canteen staff, at SBMA checkers ang sasailalim sa testing. ROEL TARAYAO

Comments are closed.