MASS VACCINATION ININSPEKSIYON

NAG-INSPEKSIYON si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa isinasagawang mass vaccination sa mga medical frontliner sa tatlong vaccination centers sa Pedro P. Cruz Elementary School, Hulo Integrated School at Isaac Lopez Integrated School.

Personal na sinusuri ni Abalos ang bawat vaccination site upang matiyak na ang pamamaraan ng pagbabakuna ay nasusunod kung saan ang mga prayoridad na sektor ay ang mga senior citizen na may edad na 60 ay makatatanggap ng bakuna.

Paliwanag ng alkalde, mahigit 4,000 medical frontliners mula sa Mandaluyong City Medical Center, National Center for Mental Health at ibang mga pribadong hospital at medical facilities kabilang ang mga doktor at nurses mula sa Barangay Health Center at pribadong clinic sa buong lungsod ang babakunahan ng AstraZeneca.

Kasama sa pagsasagawa ng pag-inspeksiyon si City Health Officer Dr. Alex Sta. Maria kung saan nagbigay ng donasyon ang alkalde ng isang LED display sa bawat paaralan na tinanggap naman ng kani-kanilang principals na gagamitin sa information campaign tungkol sa COVID-19. ELMA MORALES

2 thoughts on “MASS VACCINATION ININSPEKSIYON”

Comments are closed.