Posibleng simulan na sa darating na June 2021 ang mass vaccination kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Filipinas.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research Development ng DOST, patuloy ang pakikipag-negosasyon ng pamahalaan sa mga supplier ng bakuna.
Sinabi ni Montoya na umaasa sila na mas mapapaaga ang pagkuha at availability ng bakuna.
Una rito, aabot sa 2.6 million shots ng potensiyal na COVID-19 vaccine mula sa AstraZeneca ang nakuha ng Filipinas.
Samantala, pumalo na sa mahigit 430,000 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.
Naitala ng Department of Health (DOH) ang karagdagang 1,773 panibagong COVID-19 cases araw ng Lunes, Nobyembre 30.
Dahil dito, nasa 431,630 na ang total cases, kung saan 24,580 dito ay active cases.
Nasa 44 naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa sakit kaya’t umakyat na 398,658 ang total recoveries.
19 naman ang karagdagang bilang ng mga nasawi sa virus kaya’t nasa 8,392 na ang death toll ng corona-virus sa bansa.
Comments are closed.