MASSAGE PARLOR AT SPA SINALAKAY, 24 NASAGIP

SPA-1

LAGUNA – Dalawampu’t apat na mga kabataang babae ang nasagip ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Calamba City PNP  sa pagsalakay sa isang massage parlor at SPA clinic sa Brgy. Halang at Real, lungsod na ito.

Ayon sa ulat ni Supt. Harold Depositar, hepe ng pulisya kay Laguna PNP Provincial Director Sr. Supt. Eleazar Matta, tatlo sa naaresto ay nakilalang sina Horace Louie Asis Kiunsala, 20, kasamahan nitong si Ian Rosen Tacumba, 36, at isang Mary Rose de los Reyes Moreno, cashier.

Sinasabing isinagawa ni Depositar, PIB Chief PCI Ryan Jay Orapa, DSWD at kanilang mga tauhan ang magkasunod na pagsalakay sa lugar base sa nakalap nilang impormasyon kaugnay nang lantaran umanong nagaganap na prostitusyon gamit ang kanilang estabili-simiyento habang isa sa mga ito ang nagpanggap na kostumer.

Sa Aquarius Massage Clinic, 18 babae ang nasagip habang sa Divine Massage ang anim na iba. DICK GARAY

Comments are closed.