MASSIVE HIRING SA GOV’T

Deputy Speaker Rolando Andaya Jr

AABOT sa 150,000 bagong posisyon sa gobyerno ang kinakailangang mapunan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng ‘massive hiring’ sa ilalim ng kanyang administrasyon, partikular sa 2019.

Ito ang isiniwalat ni Deputy Speaker Rolando Andaya Jr. matapos niyang mabasa ang nilalaman ng ‘Budget Message’ na nagsisilbing cover note ng panukalang P3.757 trillion national budget para sa 2019, na isinumite ng Malakanyang sa Kamara kamakailan.

“The government will go on the biggest hiring binge in history next year with President Duterte’s order to recruit about 130,000 teachers, policemen, firemen and jail guards. Up to 150,000 job vacancies will be filled, if we include nurses and doctors to be hired by the Department of Health and government hospitals; engineers and technicians by the DPWH; and Department of Transportation, and personnel of the armed services,” pahayag ng Camarines Sur congressman.

Nabatid kay Andaya na sa susunod na taon ay may 10,000 bagong teaching positions ang bubuksan at paglalaanan ng P2.21 billion para sa kakaila­nganing pasuweldo rito sa unang taon, na nakapaloob sa panukalang P529 billion budget ng Department of Education (DepEd).

Bukod pa rito ang pag-aatas ni Presidente Duterte na punan ng DepEd ang 105,529 bakanteng posisyon ng ahensiya at may P27.6 billion na pondo para rito kung kaya inaasahang aabot sa halos isang mil­yon o 951,000 ang maging tauhan nito sa 2019.

“By 2022, it is safe to bet that DepEd will be a millionman agency. Every time there is a net increase of 40 enrollees in the public school system, we have to hire one teacher and build one classroom.” sabi ng mambabatas.

Sa ilalim naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nais ng punong ehekutibo na mag-recruit ito ng 10,000 Police Officers 1; 2,000 Jail Officers 1; at 3,000 Fire Officers 1 sa susunod na taon.

Nasa P1.38 billion ang ilalaang pondo para sa sahod sa kabuuan ng isang taon sa rookie firemen at jail officers kung saan doble naman ng nasabing halaga ang budget para sa magi­ging bagong miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ang Department of Health (DOH), ani Andaya, ay mangangailangan ng 425 surveillance officers para i-monitor ang kalagayan ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Habang sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program na pangunahing ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng infrastructure projects na inilinya nila ay makapaglilikha ng libo-libong trabaho. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.