MASTERMIND SA PAGPATAY SA OFW HULI

JAIL

BATANGAS – NAHAHARAP sa kasong murder ang magkarelasyong mastermind sa pagpatay kay Danilo Tenson Teruel,  overseas Filipino worker (OFW), na nilikida pag-uwi sa  Lipa, Batangas noong May 19.

Nakilala ang mga suspek na sina Janet Manalo Capalad, kinakasama ng biktima, at Roel Dinglasan Guico, na sinasabing karelasyon naman ni Janet.

Ayon kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, Regional Director ng Police Regional Office 4A, matapos ang krimen ay nakakuha sila ng lead at  testigo sa krimen.

Sinasabing base sa ibinigay na salaysay ng  testigo sa krimen, nabatid na may kausap na armadong lalaki si Guico ilang araw bago ang insidente.

Napag-alaman din na noong mismong araw ng pagbalik sa bansa ng biktima ay nakikipag- usap na naman si Guico kasama si Janet sa hinihinalang gunman.

Base dito inihanda ng mga tauhan ni Eleazar mula sa Batangas Provincial Police Office ang isang operation para dakpin ang dalawang suspek na kusa namang sumama sa mga awtoridad.

Matatandaan na noong May 19, pinagbabaril si Truel sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Pinagkatiwan, Lipa City. Naisugod pa sa Villa Memorial Hospital si Truel pero agad din itong binawian ng buhay.                          VERLIN RUIZ

4 thoughts on “MASTERMIND SA PAGPATAY SA OFW HULI”

  1. Hello there! This is my first comment here so I just wanted to give a quick shout out and say I really enjoy reading through your blog posts. Can you recommend any other blogs/websites/forums that cover the same subjects? Thank you!

  2. 715585 496362Interesting point of view. Im curious to believe what type of impact this would have globally? Sometimes men and women get slightly upset with global expansion. Ill be around soon to take a look at your response. 948815

Comments are closed.