PINAGSAMA-SAMA sa isang eksibisyon ang anim na mahuhusay na alagad ng sining sa Masters’ Touch sa Drybrush Gallery sa SM MOA.
Nakalinya ito sa pagdiriwang ngayong Pebrero ng Arts Month .
Hindi maitatangging masters na ang gumawa ng mga nakasabit na obra na sina Raul Isidro, Al Perez, Nanding Sena, Juno Galang, Paul Dimalanta, at ang organizer ng show na si Lander Blanza. May ibat ibang estilo at teknik sa kanilang pagguhit at paghulma ang mga ito sa kanilang unang pinagsamahang eksibit.
Matutunghayan ang pamosong mga talon ni Dimalanta, Hesukristo ni Perez, ang kakaibang sculpture ni Blanza, fish series ng US-based artist Galang , abstract ni Isidro at mga laruan ni Sena.
May nakatakda pang eksibisyon ang lima na sadyang kaabang abang sa mga susunod na buwan.
Magtatagal ang Masters’ Touch hanggang sa Pebrero 28.
(Teskto at mga larawan ni SUSAN CAMBRI)