SA gitna ng mga kontrobersya at mga kinakaharap na hamon ng Masungi Geopark Project (MGP), ito ay ginawaran ng biosphere sustainability award sa 20214 Asia Pacific Social Innovatiojn Partnership Awards (APSIPA) na inorganisa ng Ministry of Economic Affairs ng Taiwan.
Tinanggap ni Justian Bual ng Masungi Georeserve Foundation ang naturang award sa isang awarding ceremony sa Nantou ,Taiwan nitong Sabado.
“Despite 25 years of relentless efforts to rejuvenate this vital ecosystem, the surrounding mountains remain imperiled by widespread deforestation, quarrying interests and inadequate environmental enforcement, compounded by systemic and political challenges for conservation,” ang sabi ng pamunuan ng MGP sa isang pahayag.
“Amid plans by Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga to nullify an agreement that created the MGP, the triumph at the APSIPA underscored the project’s role in advancing environmental sustainability and catalyzing positive change. It inspired communities worldwide to embrace a harmonious coexistence with nature,” patuloy ng MGP.
Ang naturang “biosphere sustainability award,” ay tinaguraing emblematic sa : environmental stewardship and sustainability”. Kinilala rin ng international environment giving body ang umano’y “exceptional social innovation partnerships that advocate environmental conservation, underscoring the connection between a thriving natural environment and the well-being of the humanity.”
Ang proyekto ay sumasakop sa 2,700 ektarya ng lupain sa Baras, Rizal.Ito ay dating bahagi ng Marikina Watershed Reservation na naitatag ng 1904.
Noong 1990s plinano ni Ben Dumaliang at kompanya nito na sagipin ang naturang lugar na nakararanas na ng malalang severe degradation sahil sa illegal logging.
Bagamat ang una nilang plano ay magsagawa ng housing development project sa naturang lugar.Nagbago ang decision nila at natuon sa conservation ng lugar dahil sa ganda ng kagubatan at tanawin dito lalo na ang kakaibang limestone formation sa lugar. Hanggang sa ito ang ginawang hakbang nila ay protektahan at panatilihin ang ganda ng mga tanawin dito.
Isang kontrata ang nilagdaan ng MGP sa pakikipagkolaborasyon nito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan nakasaad dito ang rehabilitation ng limestone forest, at transformation nito bilang isang georeserve.
Matapos ang ilang taon, ang forest cover ng naturang georeserve ay tumaas mula 10 % sa 70% hanggang 80%, kung kaya ito ngayon ay klasipikado ng “secondary forest” dulot ng matagumpay na conservation ng lugar.
Sa ngayon ang naturang georeserve ay may mga kinakaharap na hamon.Kabilang na rito ang banta sa conservation efforts dto dahil anya sa nagsusulputang development projects at iba pang illegal na gawain tulad ng illegal logging at ang panukalang wind farm project sa naturang ancestral domain areas na wala anyang malinaw na permiso mula sa Protected Area Management Board (PAMB).
Sa kasalukuyan ay nakabinbin pa sa Kamara ang isang resolution na inihain ng mga mambabatas sa Rizal upang imbestigahan ang mga nagaganap na illegal aktibidad umano rito na maaaring makasira sa naturang georeserve.Kabilang na ang land grabbing, at illegal fencing kung kaya naging suliranin kung paano dadaan ang mga indigenous communities na nagmamay ari ng ancestral domain dito. Bagamat malayo pa ang tatahaking laban ng mga komunidad na nakikibaka sa preserbasyon ng naturang lugar, nanatiling kinikilala ng international organizations ang geotourism at geopark sa Masungi dahil sa conservation efforts at adbokasiya sa kalikasan ng mga komunidad dito.
Sa kasalukuyan , pinopondohan ng MGP ang pamamahala sa naturang lugar sa pamamagitan ng self-generated at low-volume sustainable geotourism. MLUISA M GARCIA