MASARAP sa pasta at rice ang San Marino. Dahil diyan, ngayong araw ay dalawang masarap na recipe ang ihahandog natin sa ating mga reader—ang San Marino Premium Tawilis Pesto at San Marino Tuna Paella Burrito.
San Marino Premium Tawilis Pesto
Ang mga sangkap sa paggawa nito ay ang mga sumusunod:
1 can San Marino Premium Tawilis 180g
2 tbsps Oil from San Marino Premium Tawilis 180g
1 tbsp Garlic, minced
4 tbsps Black olives, sliced
½ cup Pesto sauce
5 cups Linguine pasta, cooked
Parmesan Cheese
Salt and Pepper to taste
Paraan ng pagluluto.
- I-sauté ang bawang.
- Idagdag ang pesto sauce at San Marino Premium Tawilis. Timplahan ng asin at paminta nang magkalasa.
- Ihalo ang pasta at black olives. Haluing mabuti.
- Budburan ng parmesan cheese. Ihanda.
San Marino Tuna Paella Burrito
Ang mga kakailanganing sangkap sa paggawa nito ay ang sumusunod:
2 cans San Marino Tuna Paella 180g
4 pcs Wheat Tortillas
½ cup Fresh Cilantro, chopped
1pc Onion, chopped
1 pc Tomato, chopped
1 cup Lettuce
Salt to taste
Paraan ng paggawa:
- Sa isang bowl, pagsamahin lang ang San Marino Tuna Paella, onions, tomatoes, at cilantro. Lagyan ng asin at paminta. Haluing mabuti.
- Pan-grill tortillas hanggang sa maging soft.
- Ilagay ang lettuce sa ibabaw ng wheat tortilla.
- Pagkatapos ay lagyan ng ½ tasa ng tuna mixture ang ibabaw ng lettuce at i-roll ang tortilla.
- Ulitin lang ang procedure sa mga natitirang ingredients.
- Ihanda.
Comments are closed.