MASUSTANSIYANG AGAHAN (Para sa mas malakas na pangangatawan)

almusal

Akala ng iba ay okay lang kapag nilalaktawan ang pagkain ng almusal, pero doon sila nagkakamali. Maraming masasamang epekto ang pag-iwas o pag-skip ng agahan.

Sino-sino ba ang mga taong mahilig umiwas o mag-skip ng agahan?

Una, ang mga taong tinatamad magluto o magsaing at nag-aantay na lamang magtangha­lian upang isahang ka­inan na lang o brunch.

Pangalawa, ang mga taong nagtatrabaho sa malayo. Sila ‘yung mga hindi na kumakain ng almusal galing sa bahay at pinipili na lamang kumain sa opisina o bumibili na lamang sa mga nagtitinda dahil sa takot na mahuli sa trabaho.

Pangatlo, sila ‘yung mga taong walang pang-agahan o walang perang pangkain.

At panghuli, ang mga taong akala nila ay pagda-diet ang hindi pagkain ng agahan.

KAHALAGAHAN NG ALMUSAL

SA MGA BATA: Kapag ang mga matatanda ay kinakailangang kumain ng almusal, ay mas lalo na rin ang mga bata. Kailangan ng sustansiya ng katawan upang lumaki ng malusog ang mga bata.

Kapag nakalimutan o hindi kumain ng almusal, magiging mala­king problema ito para sa kanilang pisikal, at intelektwal na pangangatawan.

Kaya’t importanteng napakakain ng almusal ang mga bata. Ang pag­hahanda ng almusal para sa mga bata ay madali lamang gawin. Puwede kang gumawa ng cereal na may gatas.

SA MGA MATATANDA: Ayon sa isang pananaliksik, ang hindi pagkain ng almusal ay nagdudulot ng pagtaba ng isang tao. Marahil sa iyong susunod na kakainin ay maghahanap ka ng maraming pagkain at magiging resulta ng biglaang paglaki ng katawan o pagtaba.

Kaya sa mga kabataan o matatanda, kapag ayaw ninyong lumaki o tumaba ay maiging kumain ng almusal.

PAGKAING MADALI AT SWAK SA BULSA NA PANG-AGAHAN

Kinatatamaran ng marami ang pagluluto ng agahan lalo na kung ina­antok pa o kaya naman, nagmamadali.

Pero may mga pagkaing napakadali lang lutuin na hindi gugugol ng matagal na oras. Gaya na lang ng French toast at Multigrain cereal.

FRENCH TOAST

Mga Sangkap:

itlog

3/4 na baso ng low-fat (1%) milk

vanilla extract

2 kutsarita ng butter

8 slices ng whole wheat bread

Fresh blackberries, raspberries, and blueberries (optional)

Paraan ng paggawa:

Paghaluin sa isang lalagyan ang itlog, gatas at vanilla. Kapag nahalo na ay ilubog na sa ginawang mixture ang tinapay. Siguraduhing nalagyan ng mixture ang bawat parte o bahagi ng tinapay.

Magsalang ng kawali, lagyan ito ng butter. Pagkatapos ay lutuin na ang tinapay. Siguradu­hing pantay ang pagkakaluto sa magkabilang bahagi.

Kapag naluto na ang French toast, ilipat na ito sa pinggan. Puwede itong ihanda na may kasamang maple syrup at berries.

Kahit na anong tinapay rin ay maaaring gamitin sa paggawa ng French toast. Halimbawa na lang ay wala kayong wheat bread, puwede ninyong subukan ang pandesal. Hiwain lang sa gitna saka ilubog o i-dip sa mixture at prituhin.

MULTIGRAIN CEREAL

Mga sangkap:

2 kutsara ng quick-cooking barley

2 kutsara ng bulgur

2 kutsara ng oats

2/3 baso ng tubig

2 kutsara ng raisin

1 pinch ng ground cinnamon

1 kutsara ng hiniwang walnuts o pecans

Low-fat milk (optional)

Paraan ng pagluluto:

Sa isang microwavable bowl, paghaluin ang barley, bulgur, oats, at tubig saka i-microwave. Kapag naluto na, isama na ang raisins, cinnamon at walnuts.

Bago rin ihanda sa pamilya ay samahan o buhusan ito ng gatas. Ha­luin at saka pagsaluhan.

Kung madaling lutuing pagkain ang pag-uusapan, hindi ka mauubusan ng ideya. Kaya naman, gaano ka man kaabala o sobrang late ka mang na­gising, siguraduhin pa ring nakapaghahanda ka ng almusal sa buong pamilya. Kung wala namang laman ang ref at ang mayroon lang ay itlog, hindi mo rin kailangang mamroblema dahil may maihahanda ka pa rin sa iyong buong pamilya. Kahit simpleng sunny side up lang ay swak na swak nang pang-almusal.  (photos mula sa thespruceeats.com, driscolls.com at thespruceeats.com). KAT MONDRES