(ni CT SARIGUMBA)
MASAYA ang mag-road trip. Nakare-relax nga naman ito. Nakare-refresh ng kabuuan. Ngunit bukod sa mga lugar na pupuntahan gayundin ang gagamiting sasakyan, mahalaga ring isinasaalang-alang ang mga masusustansiyang pagkain na puwedeng baunin.
Mas masaya rin kasi ang may dalang pagkain nang magutom man, mayroong madudukot. Pero hindi lahat ng maisipan nating pagkain ay puwede nating dalhin sa road trip gaya na lang ng pabortio ng lahat na junk food.
Masama sa katawan ang junk food kaya’t importanteng nalilimitahan lamang natin ang pagkonsumo nito. Importante ang pagbabaon ng masasarap at masusustansiyang pagkain lalo na kapag nagro-road trip upang mapanatili ring healthy ang pangangatawan. At dahil mahirap nga naman ang mag-isip ng swak o perfect baunin sa ganitong activity o pagsasaya, narito ang ilang pagkain na puwede ninyong baunin na perfect na perfect kapag nagro-road trip:
NUTS AND SEEDS
Isa nga naman sa napakadaling baunin ay ang nuts and seeds. Healthy rin ito kaya’t swak na swak ito sa kahit na sino. Nagtataglay ng fat ang nuts na kung tawagin ay monousaturated fat. Mayroon din itong omega-3 at omega-6. Naglalaman din ang nuts ng vitamins at minerals na kailangan ng ating katawan gaya ng magnesium at vitamin E.
Ilan sa nuts na maaaring dalhin sa road trip ay ang almonds, wallnuts, pistachios, cashew at peanuts.
Mainam din ang pumpkin at sunflower seeds. Napakadali lang din ng mga itong i-pack.
HARD-BOILED EGGS
Napakadali lang ding baunin ng hard-boiled eggs. Puwede rin natin itong kainin sa kahit na saan. Naglalaman ng protein ang hard-boiled eggs. Mababa lang din ang calories nito. Higit sa lahat, nakatutulong ang pagkain ng itlog upang hindi kaagad tayo makaramdam ng gutom.
Napakadali lang din nitong lutuin at abot-kaya pa sa bulsa.
GRANOLA BARS
Isa pa sa maaaring baunin sa road trip na swak na swak sa mga magkakaibigan at magkakapamilya ay ang granola bars. Maraming klase ng granola bars ang puwede nating pagpilian. Madali lang din itong bitbitin. Higit sa lahat, puwedeng kainin saan ka man naroroon.
FRESH OR DRIED FRUITS
Prutas ang isa pa sa dapat nating kahiligan nang mapanatili nating malusog ang ating pangangatawan. Pero hindi lamang kapag nasa bahay o opisina tayo dapat nahihilig sa prutas kundi saan man tayo naroroon o saan man tayo patungo.
Halimbawa na lang ay sa road trip, mainam ding dalhin ang fresh o dried fruits nang may mapagsaluhan kayo habang namamasyal.
Puwede mong piliin ang mga prutas na may balat at saka ilagay ito sa resealable bag o container.
Pagdating naman sa dried fruits, marami ka ring puwedeng pagpilian na paniguradong maiibigan ng lahat ng mga kasama mo. Ilan sa dried fruit na swak baunin sa road trip ay ang raisins, apricots, cranberries at mango.
OATS AND POPCORN
Hindi lamang din sa agahan swak ang oats kundi maging sa road trip. Napakadali lang naman nitong dalhin at gawin lalo pa’t mayroon na ngayong oatmeal na nilalagyan lang ng mainit na tubig at puwede mo na itong kainin. Swak din itong samahan ng raisins.
Ang popcorn naman ay mababa ang taglay na calories kaya’t swak na swak din itong pang merienda. Madali lang din bitbitin. Napakasarap pa.
Sa pagro-road trip, kailangang maging mapili at matalino tayo sa ating babaunin o dadalhing merienda o pagkain. Kaya naman, sa susunod ninyong pagro-road trip, subukan na ang mga ibinahagi namin sa inyo. Mag-isip din ng iba pang pambaon na healthy at swak sa inyong panlasa.
Masarap ang mag-road trip kasama ang mga mahal sa buhay. At mas mag-e-enjoy rin kayo kung mapananatili ninyong healthy ang inyong katawan.
(photos mula sa foodrevolution.org, oola.com at twopeasandtheirpod.com)
Comments are closed.