MATAAS NA KONSUMO HINDI ANG PRESYO

NILINAW ng Energy Regulatory Commission na hindi mapipiglan ang mataas na electric bill ngayong buwan ng Mayo.

Paliwang ng ERC, ito ay dahil sa tindi ng init o alinsangan, napipilitang madagdagan ang paggamit ng mga consumer ng higit sa normal na konsumo ng korytente.

Ibig sabihin ang konsumo ang tumaas at hindi ang presyo ng power rate.

Ipinaliwang ng ERC ito makaraang atasan ng Pangulong Bongbong Marcos na pansamantalang isuspinde ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market kapag nasa red alert ang status o mayroong insufficient na supply ng koryente.

Ang WESM ay parang palengke ng koryente at kapag may alerto ay minabuting hindi na muna sila magbenta upang hindi nito maabuso ang panahong mataas ang demand ng koryente.

Ang tanging atas, kapag bumili ng koryente sa WESM, hindi dapat baguhin ang presyo kahit pa mataas ang demand.

Ito ang nakikitang paraan ng pamahalaan para proteksyonan ang consumer sa kanilang bayarin.

Kapag kasi manipis ang supply ng koryente napipilitang bumili sa WESM.

Ang suspension sa operasyon ng WESM ay kahalintulad din ng pagdedeklara ng price freeze kapag tumama ang kalamidad sa lugar.

At paglilinaw na rin, ang konsumo ang tumataas at hindi ang power rate ngayong tag-init