MATAAS NA PASAHE NG BARKO INIREKLAMO SA MARINA

BATANGAS- NAGLABAS ng show cause order ang Maritime Industry Authority (Marina) laban sa mga ferry operator na bumabiyahe sa rutang Calapan-Batangas upang pagpaliwanagin sa pagtaas ng pamasahe sa barko ng mga pasahero at mga sasakyan.

Nag-ugat ang nasabing petisyon sa ihihaing reklamo ng ilang pasahero kaugnay napakataas na singil sa pamasahe ng barko.

Nangyari ang nasabing pagtataas ng pasahe sa barko noong panahon ng pandemya kung saan limitado lamang ang mga pasahero at mataas ang presyo ng krudo bagay na naiintindihan ng mga commuters.

Subalit ngayon na tapos na ang pandemya at bumaba na rin ang presyo ng krudo dapat na ibalik na sa normal na pasahe ang barko sa rutang Calapan-Batangas.

Nakatuon ang show cause order sa Ocean Fast Ferries Inc., operator of the Ocean Jet Fast at inatasan magbigay ng paliwanag sa Marina sa loob ng 10-araw matapos matanggap ang nasabing abiso.

Batay sa record umabot sa 140 porsyento ang naging taas ng pamasahe na karaniwang P230 lamang ay naging P530 na hanggang sa kasalukuyan. RON LOZANO