BULACAN – NAILIGTAS ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Animal Kingdom Foundation Inc. ang limang aso mula sa kamay ng dalawang matadero ng aso sa Brgy. Bagbaguin, Bustos.
Sa report na ipinadala ni Supt. Mark April Young kay PNP Provincial Director, Sr. Supt. Chito Bersaluna, kinilala ang mga nadakip na sina Danny Cruz y Salazar, 6-anyos, alyas Tatang Pukpok at Serbando Dayapan y Amad, 54-anyos ng St Martha, Brgy. Batia Bocaue.
Nadakip ang dalawa habang lulan ng tricycle na walang plaka sa Brgy.Bagbaguin, Bustos habang namimili ng mga asong kalye.
Kung saan nagpanggap na magbebenta ng aso ang isang tauhan ng CIDG.
Ayon kay Atty Heidi Marquez-Cagiua ng AKF Inc. matagal na nilang binabantayan ang kilos ng dalawang suspek na talamak sa pagkakatay ng aso.
Ayon kay alyas Tatang Pukpok bago pa lamang daw siya nagkakatay ng aso at paminsan-minsan lang siya sa ganitong uri ng trabaho at kung may nag-o-order lamang siya namimili ng kinakatay niyang aso sa halagang P200.
Pagkatapos ay lulutuin niya ito ng adobo saka dadalhin sa kanyang mga parokyano na kung minsan ay kumikita siya ng P300 mula sa puhunan.
Sa report nina SPO2 Jayson dela Cruz at SPO3 Nathaniel Orduna at Brgy. Intelligence Network (BIN) nabawi mula sa kanila ang limang aso, kabilang ang sangkalan mga kutsilyo, timba at tubo na pamalo at ang mga sako kabilang din ang tricycle na walang plaka. THONY ARCENAL
Comments are closed.