BULACAN – ARESTADO ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Barangay Intelligence Unit (BIN) ang tatlo katao na kumatay sa 13 aso sa fishport ng Brgy. Paliwas, Obando.
Sa report na ipinadala nina PMSgt. Jayson Dela Cruz, PSSgt Pagales at PCpl. Dianco kay P/Lt.Col. April Mark Young, kinilala ang mga matador ng aso na sina Ramon Adino y Fuentes, 62, Ramoncito Adino y De Leon, 33-anyos, at alyas Danny, 18-anyos; pawang residente ng Brgy. San Rafael.
Nabatid na lulan ng isang bangkang de motor ang mga suspek, sakay ang 130 kilo ng karne ng mga aso.
Kung saan binili ang mga aso sa murang halaga sa Barangay Salambao sa bayang ito.
Natunton ang mga suspek mula sa isang concerned citizen, na ayon dito ay matagal nang gawain ng mga nadakip na suspek ang pagkakatay ng mga aso.
Una na ring nakatanggap ng reklamo ang awtoridad mula sa Animal Kingdom Foundation Inc. kaugnay sa pagkatay ng aso na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Bagaman todo-tanggi si De Leon, hindi naman ito bumenta sa mga pulis sa halip ay agad silang pinusasan at sinampahan ng patong-patong na kaso tulad ng paglabag sa RA 8485 amended ng RA 10631 na Animal Welfare Act, at iba pa. THONY ARCENAL
Comments are closed.