(Matagumpay, makulay na pagdiriwang) BANGENGE FESTIVAL 2024 SA CAVITE CITY

IBA’T ibang mga higanteng cartoons character ang ipinarada sa kahabaan ng P. Burgos Avenue, Cavite City bilang pagdiriwang ng Ba­ngenge Festival kama­kailan.

Binigyang-diin ng parada ng mga higanteng cartoon character na gawa sa paper mache ang pagdiriwang ng ‘Bangenge Festival’ na nilahukan ng mga estudyante at iba’t ibang barangay.

Ito ay gawa sa tinunaw na diyaryo na hinaluan ng pandikit, hinulmang kawayan, at manipis na alambre. Pintura na ginaya sa mga sikat na cartoon characters.

Nakatanggap ng cash prize ang bawat kalahok na nagwagi sa Bangenge festival na pinangasiwaan ng Cavite City Tourism.

Ang mga ginamit sa parada ng Bangenge festival ay unti-unti nang makikita na ginagamit sa pangharana o pangkaro­ling sa bawat bahay, kasabay ng pag-awit ng mga pamaskong awitin.

Ginagamit ito upang makatawag pansin sa mga bata at sa bahay na paggaganapan ng karoling.

Taong 1970 nang unang ipinakilala ito ng lokal na pamahalaan sa publiko na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong inaabangan hudyat na papalapit na ang pasko.

Ang Bangenge Festival ay matagumpay na nairaos ngayong taon na nagdulot ng kakaibang mga ngiti partikular sa mga batang sabik na makita dahil sa kakaibang istilo at porma nito na madalas ay sa TV lang nila nakikita.

SID SAMANIEGO