BINATI ng grupo ng mga Filipino- Chinese ang matagumpay na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa People’s Republic of China.
Sa pahayag ni Association for Philippines-China Understanding (APCU) President Sixto Benedicto sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery, walang duda na ang state visit ng Pangulong Marcos Jr. sa China at kanyang bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping ay matagumpay.
“I am optimistic that through this visit of President Marcos to China, the diplomatic and bilateral relations between the Philippines and China under his administration will be fruitful, vibrant, and bright. This visit is also significant, for it will define the posture and trajectory of the Philippines-China bilateral relations in the next five years under the Presidency of Marcos Jr. With this state visit, I believe that the relations between the two countries, both state-to-state and people-to-people will be strengthened and deepened further, and more economic and trade cooperation between the two countries will be established and pursued that will benefit the peoples of the Philippines and China.
I am positive as well that the relationship and friendship shared by both countries will flourish more and bring forth tangible benefits to the people of both countries,” ani Benedicto.
Binigyang diin nito na ang Chinese investors ay nangako ng 22.8 billion dolyar na investment pledges nang makipagkita sa kanila si Pangulong Marcos Jr. sa state visit sa China.
Kasama sa investment commitments ang USD 1.72 billion sa agribusiness, USD 13.76 billion sa renewable energy (RE), at USD 7.32 billion para sa strategic monitoring (electric vehicle, mineral processing).
Magandang balita rin para sa Pilipinas ang 14 bilateral agreements na nilagdaan sa pagitan ng bansa at China.
Pahayag naman ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. na patunay sa mainit na pagtanggap ng Chinese businessmen ay ang interes ng mga ito na magnegosyo sa bansa.
Sinabi ni Wilson Lee Flores, na ang mismong pagbibigay ng panahon ni PBBM sa pagbisita sa China ay mahalaga.
Ibinigay rin nito ang mainit na pagtanggap sa delegasyon ni Marcos sa naturang bansa.