MATINDI ang ginagawang paghahanda ng Filipinas para sa pangangasiwa sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games ngunit kamakailan lamang, ang ating bansa ay nabigyan ng natatanging pagkakataong mapangasiwaan ang isa pang pagpupulong na internasy-onal din ang saklaw.
Hindi lamang sa larangan ng isports gumagawa ng mahusay na marka ang ating bansa kundi pati na rin sa industriya ng koryente. Lahat ng ito ay ginawa nang may isang malinaw na layunin: ang ating pagkakaroon ng nagkakaisang industriya na magtutulungan sa pagtahak sa landas ng pagka-karoon ng sustainability at malawakang pag-unlad. Nagbabago na ang panahon at ang lahat ng miyembro ng industriya ay dapat sumabay rito. Sustain-ability ang prayoridad ng organisasyon at buong puso kong ipinagmamalaki na ako ay miyembro ng kompanyang nangunguna sa inisyatibang ito.
Nito lamang nakaraang linggo, ang Association of Electricity Supply Industry of East Asia and the Western Pacific (AESIEAP), isang rehiyonal na organisasyon ng mga miyembro ng industriya ng koryente, ay tinapos ang CEO Conference 2019 nang may malinaw na direksiyon ukol sa kung paano gagamitin ang mga kasalukuyang polisiya at mga pagbabago sa pagkakaroon ng pangmatagalan at mapaunlad ang pangkalahatang ekonomiya.
Ako ay namangha sa mga bigating tao na dumalo sa nasabing pagpupulong. Ang mga matataas na opisyal ng industriya sa buong mundo ay nag-sama-sama sa Cebu upang pag-isahin ang kanilang mga plano at pag-aralan kung paano masisiguro ang pagkakaroon ng sustainable na hinaharap. Ginanap noong ika-23 ng Setyembre sa Cebu, humigit kumulang 200 na kinatawan ng industriya, mga CEO, at iba pang mga importanteng pangalan sa industriya ng koryente ang dumalo upang pag-usapan ang mga hamon sa industriya at ang mga solusyon sa mga ito.
Isang napakagandang bagay rin na ang pagpupulong na ito ay suportado ng gobyerno. Ang kasalukuyang administrasyon at ang DOE ay nagpakita ng matinding suporta rito habang tayo ay naghahanda para sa mas marami pang proyektong pang-imprastraktura sa ilalim ng ‘Build Build Build’ pro-gram ng Pangulo sa mga susunod na taon. Nagpaunlak ng espesyal na talumpati si DOE Secretary Alfonso Cusi sa ngalan ni President Rodrigo R. Duterte. Sabi niya, “Despite racing to meet our current energy requirements, we always need to ensure that the decisions we make today will not endan-ger the ability of the coming generations to fulfill their own needs in the future. There must be strong synergy between the public and private sector to secure a progressive, inclusive, and sustainable energy future.”
Ang pagpupulong ay nagsilbi rin bilang lugar para sa mga adbokasiya ng industriya na ukol sa sustainability na pangkalikasan. “This is a gathering of influential CEOs and government leaders who are in the position to come up with transition plans for the adoption of energy efficiency, renewable energy and information communication technologies. Renewable energy penetration in the Philippines is at 32%,” binanggit ni AESIEAP Secretary General at Meralco PowerGen Corp. President & CEO Rogelio L. Singson. “We hope that our government and power industry leaders were able to inspire our Asia-Pacific counterparts to seriously consider increasing their own respective countries’ renewable energy capacities to ideal levels of around 30%,” dagdag pa niya.
Ngunit ang lahat ng ito ay simula pa lamang. Ang CEO Conference ay isang bahagi pa lamang ng biennial AESIEAP conference. Sa darating na 2020, pangangasiwaan muli ng Filipinas sa ikalawang pagkakataon ang AESIEAP Conference of Electric Power Supply Industry (CEPSI) na na-katakdang ganapin sa Manila Marriott Hotel mula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-3 ng Disyembre. Marami pa tayong aasahang mga kaganapan sa susunod na taon.
Ngunit sa huli, ang tanging layunin ng buong industriya ay ang magbigay ng mas maayos na serbisyo sa mga Filipino at ang makapagbigay ng koryente sa lahat ng konsyumer. Sa tema ng pagpupulong na “Energized Countries, Empowered Communities”, binibigyang-diin ng 2019-2020 AESIEAP ang kahalagahan ng total electrification o ang pagkakaroon ng koryente para sa lahat, partikular sa mga lugar na hanggang ngayon ay wala pang serbisyo ng koryente.
Bilang testamento sa tagumpay ng unang bahagi ng AESIEAP CEO Conference, ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan ng pinakamalalaking mga personalidad sa industriya. Tinalakay sa mga talumpati at sa talakayan ang mga pinakabagong gawi ng industriya ukol sa pangmatagalan at pangkalaha-tang pag-unlad at ang mga epekto nito sa lipunan.
Tinalakay at sinuri ni Global Reporting Initiative (GRI) Chairman Eric Hespenheide, ang lider sa sustainability reporting, ang mga kasanayan sa sus-tainability reporting at kung paanong ang mga balitang ito ay humuhubog sa mga patakaran at programa ng gobyerno at ng mga kompanya.
Ibinahagi naman ni National Renewable Energy Laboratory (NREL) Deputy Laboratory Director for Science and Technology Peter Green ang mga bago at parating na teknolohiya ukol sa RE at energy efficiency.
Tinalakay naman ni Global Energy Interconnections Development and Collaboration Organization’s (GEIDCO) Economic and Technology Re-search Institute Deputy Director General Li Juan ang benepisyo at pakinabang ng internasyonal na kaugnayan ng industriya para sa mga bansang ka-bilang sa Asia-Pacific at kung paano nito hinarap ang mga isyu gaya ng kakulangan sa supply, pangmatagalan na sustainability, mga plano na pagbabago upang mapag-ugnay ang mga bansa sa nasabing rehiyon.
Tiyak na tayo’y nasa mabuting mga kamay. Ang pagkakaroon ng organisasyong gaya nito, na may ganitong lawak ng saklaw, na nagtiwala sa ating bansa na manguna sa pagtahak ng landas patungo sa pagkakaroon ng maliwanag at maunlad na kinabukasan.
“The members of the AESIEAP PH Coalition look forward to the commitment of our delegates in implementing programs that will advocate sus-tainability and adoption of energy transition in their own countries,” mungkahi ni Singson sa pagtatapos ng pagpupulong.
Sama-sama tayong lahat sa layuning ito. Ang pangangasiwa ng Filipinas sa 2019-2020 AESIEAP ay pinangunahan ng AESIEAP PH Coalition na binubuo ng Department of Energy (DOE), Department of Tourism (DOT), at ng miyembro ng AESIEAP sa bansa: Manila Electric Company (MERALCO), National Power Corporation (NPC), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at National Transmission Corporation (TransCo). Sa pagkakaisa ng nabanggit na mga organ-isasyon kaya naging matagumpay ang kagaganap lamang na CEO Conference at ako’y umaasa na mas magiging matagumpay pa ang asosasyon sa mga susunod na taon. Ito ang magbibigay ng daan para sa ating lahat patungo sa pagkakaroon ng maliwanag na bukas.
Comments are closed.