MATANDA MAN SA EDAD, BATA NAMAN SA PANGANGATAWAN

MATANDA

(ni KAT MONDRES)

MINSAN may mga taong napagkakamalan nating bata sa edad dahil sa pisikal nitong hitsura, pero hindi natin alam ay nasa 40’s na pala ito. Mayroon namang iba na kabaliktaran, akala natin ay matanda pa pero mas bata pala ang edad nito kaysa sa look.

Ang pagtanda o aging na tinatawag ay isang malaking isyu sa mga kababaihang nasa 30-40 taong gulang. Ang mga kababaihang ito ay takot sa mga problema pagda­ting kutis o balat gaya na lamang ng wrinkles o pangungulubot ng balat at pagkakaroon ng fine lines.

Maingat sa katawan ang maraming kababaihan kaya’t mukha pa rin silang bata. Ano kaya ang sekreto nila at bakit sila nagmumukhang bata? Ito ba ay dala na ng teknolohiya o baka naman dahil sa natural na proseso?

Para makamit ang batang look o pangangatawan kahit na may edad na, narito ang iba’t ibang tips upang makamit ang kagandahang hindi mo inakala:

MATULOG NG TAMA SA ORAS

Ang pagtulog ay isa sa mga pinakamahalagang kailangan ng ating katawan para sa wastong kalusugan at magandang kutis. Ito ang nagpa­panatili ng metabolism at nagpapabata sa ating balat.

Kung kulang sa tulog ay maaaring mangulubot ang balat, magkaroon ng under eye circles at wrinkles.

Nakatataba rin ang pagpupuyat. Kaya naman, para maiwasan ang masamang dulot ng pagpupuyat, siguraduhing may sapat na pahinga. Mas active ka rin kung may sapat kang pag­hinga.

MAG-EHERSISYO

Mainam sa ngayon ang pag-eehersisyo kahit nasa 20-30 minuto lamang. Kapag ang katawan ay nasa wastong kondisyon, ikaw ay magiging aktibo sa anumang gawain. Higit sa lahat ang katawan ay nagiging produktibo.

KUMAIN NG PRUTAS AT GULAY

Ito ang nagpapaganda at nakadaragdag ng sustansiya sa balat. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng glowing skin at napananatili nito ang magandang pagdaloy ng dugo sa ating balat. Vitamin E ang isa sa mga epektibong anti-aging agent at ang Vitamin A naman ay upang makaiwas sa wrinkles at fine lines.

GUMAMIT NG SUNBLOCK

Para maiwasan ang masamang dulot ng sikat ng araw, maiging gu­mamit ng sunblock. Ito ang mainam gamitin 30 minuto bago lumabas ng bahay upang ang kulay ng balat ay hindi magbago at masunog.

Siguraduhin ding may sapat na SPF ang gagamiting sunblock.

UMIWAS SA BISYO

Maraming masamang epekto sa kalusugan ang pagkakaroon ng bisyo, halimbawa na lang ang paninigarilyo.

Ang paninigarilyo ay nakasasama sa ­ating kalusugan at ito ang sanhi ng mabilis na pagtanda ng ating balat.

Kaya kung ayaw mong tumanda ang hitsura, dapat iwasan ang paninigarilyo ngayon pa lang o takpan ang ilong upang maiwasan ang usok ng siga-rilyo.

UMINOM NG 6-8 BASO NG TUBIG

Ang tubig ang nag­lilinis sa impurities ng ating katawan. Sa pag-inom din ng sapat na rami ng tubig ay naiiwasan nito ang dehydration at napananatili ang maganda at preskong kutis.

IWASAN ANG STRESS AT MAGING MALIGAYA

Sa panahon ngayon, maraming dahilan kung kaya’t nakadarama tayo ng stress. Ngunit sabihin mang kasa-kasama na natin ang stress sa araw-araw, importante pa ring nagagawa natin itong iwasan o i-handle ng tama.

Ang stress ay hindi lamang nakasasama sa ating balat kundi sa buong kalusugan ng isang tao. Maging maligaya araw-araw upang mas lalong buma-ta hindi lang sa pisikal na anyo kundi pati na rin ang buong pagkatao.

TAMANG PAGDA-DIET

Ang tamang pagpili ng pagkain ay hindi rin dapat kalimutan. Sa pamamagitan din ng pagkain ng sapat at tama ay nagagawa nitong ma-delay ang pagtanda ng hitsura.

Kapag sinabing tamang pagda-diet, ito ay ang pagpili ng mga pagkaing nakatutulong upang mapaayos ang kalusugan ng isang tao.

GUMAMIT NG MGA NATURAL NA PRODUKTO PARA SA BALAT

Ang daming mga produktong maaaring magamit sa ating balat sa panahon ngayon. Maraming nadidiskubre at naglalabasang produkto na ang claim ay makatutulong upang  mapanatiling maganda at bata ang balat.

Mas epektibo na mapaganda ang balat kapag ikaw ay guma­gamit ng mga produktong natural at organic. Ang mga produktong ito ay mayroon natu-ral herbs na nararapat para sa balat.

MORNING WALK

Gawin ang morning walk araw-araw upang maging fit ang katawan at mapanatili ang magandang hubog nito.

YOGA

Ang pagyo-yoga ay isa sa mga pina­kamagandang meditation ngayon. Dahil nga stress ang marami sa atin, tamang-tama su­bukan ang yoga.

Maraming kababaihan ang naeenganyo sa yoga. Ito ay nakatutulong sa tamang pag­hinga at nakakabata ng balat.

Iyan ang mga simpleng paraan nang mapabata ang kabuuan kahit na may katandaan na ang edad. (photos mula sa wall.alphacoders.com, hindustantimes.com at sharecare.com)

Comments are closed.