(Matapos ang 3 taong pananatili sa Italy)OBIENA BALIK-PINAS

BALIK sa bansa si EJ Obiena makaraan ang halos tatlong taong pananatili sa Italy.

Ang Filipino Olympian at pole vaulter ay dumating nitong Huwebes.

Ayon kay Obiena, plano niyang magpahinga habang nasa Pilipinas matapos ang matagumpay na kampanya sa Germany, Austria at Liechtenstein kung saan tinalo niya ang mga tulad nina Armand Duplantis at Chris Nilsen.

“After three years of not being back home, I think I need some time off, some rest,” sabi ni Obiena.

Ang Asian record holder sa pole vault ay agad na bumisita kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Jose Emmanuel ‘Noli’ Eala.

Sa isang press conference matapos ang courtesy call ay sinabi ni Obiena na hangad niyang makapagbigay pa ng karamgalan sa bansa.

Kasama ni Obiena na nag-courtesy call kay Eala ang kanyang mga magulang na sina Emerson at Jeanite Obiena at ang kanyang German girlfriend na si Caroline Joyeux.

Dala ni Obiena ang mga medalya na kanyang napanalunan at pinakita ang mga ito kay Eala.

Sinabi ng bagong PSC chairman na malaking karangalan ang ibinigay ni Obiena sa bansa sa kanyang tagumpay sa Europe.

“I’m so proud of EJ’s remarkable performance. He made the country and the Filipinos proud of his scintillating performance in Europe. EJ put the Philippines flying high with his string of victories,” sabi ni Eala.

Bilang pagkilala sa kanyang kahanga-hangang ipinakita sa Europe, sinabi ni Eala na posibleng dagdagan ang budget ni Obiena.

“Yes, it’s possible. After all, he is a priority athlete of PSC,” wika ng dating PBA commissioner.

Pinaghahandaan ni Obiena ang Asian Games sa China, Asian Indoor at World Athletics sa Hungary sa 2023 at ang 2024 Paris Olympic Games.

CLYDE MARIANO