(Matapos ang 31 taon) NCAA: CARDINALS BALIK SA FINALS

Laro sa Linggo:

(Filoil Flying V Centre)

3 p.m. – Letran vs Mapua

SINIGURO ng Mapua na hindi sila kukulapso sa endgame upang gapiin ang San Beda, 70-67, at bumalik sa Finals sa unang pagkakataon sa loob ng 31 taon sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre.

Nagmintis si James Kwekuteye sa potential game-tying triple sa final seconds, na nagbigay sa second-ranked Cardinals ng panalo habang pinutol ang streak ng Red Lions sa pagpasok sa finals sa 14.

Naunang isinalpak ni Toby Agustin ang dalawang free throws mula sa ika-5 foul ni JB Bahio upang bigyan ang Mapua ng three-point lead sa huling anim na segundo.

Makakasagupa ng Cardinals sa Finals sa unang pagkakataon ang Letran matapos ang Benny Cheng buzzer-beater na nagbigay sa kanila ng back-to-back crown noong 1991.

Ang Knights ay wala pang talo ngayong season.

Natalo ang Cardinals sa Knights, 60-80, sa kanilang elimination round meeting noong April 8.

Ang Game 1 ng best-of-three title series ay gaganapin sa Linggo, alas-3 ng hapon, sa  San Juan arena.

Nanguna si Arvin Gamboa para sa Mapua sa kinamadang double-double outing na 13 points at  10 rebounds na sinamahan ng 3 blocks at 2 assists.

Umiskor din si Brian Lacap ng 13 markers habang nagdagdag si Paolo Hernandez ng 11 points.

Tumapos si Yukien Andrada na may career-high 19 points habang tumipa sina Kwekuteye at Peter Alfaro ng tig-11 points para sa San Beda.

Iskor:

Mapua (70) — Gamboa 13, Lacap 13, Hernandez 11, Bonifacio 8, Nocum 7, Pido 6, Agustin 6, Mercado 6, Salenga 0, Garcia 0.

San Beda (67) — Andrada 19, Kwekuteye 11, Alfaro 11, Bahio 9, Penuela 5, Abuda 3, Cuntapay 2, Cortez 2, Jopia 2, Amsali 2, Ynot 1, Sanchez 0.

QS: 9-9, 27-24, 48-49, 70-67