(Matapos ang 36 taon) FIGHTING MAROONS KAMPEON SA UAAP

UMUKIT ng kasaysayan ang UP Fighting Maroons.

Tinapos ng UP ang dynasty ng Ateneo Blue Eagles dynasty sa pamamagitan ng 72-69 overtime win sa do-or-die Game 3 kagabi sa Mall of Asia Arena.

Ito ang unang pagkakataon sa loob ng 36 taon na naghari ang Fighting Maroons sa UAAP basketball.

Ang UP  ang tanging koponan na tumalo sa Ateneo sa elimination round na pumigil sa step ladder Final Four.

Isa rin itong matamis na tagumpay dahil ito ang unang korona ni coach Goldwin Monteverde sa seniors division.

Sinandigan ni JD Cagulangan ang panalo ng Fightiing Maroons sa game-winning step-back three, may 0.5 segundo ang nalalabi sa laro.

Pinangunahan ni Malick Diouf, ang Finals MVP, ang Maroons na may 17 points at 9 rebounds, habang nag-ambag si CJ Cansino, na ipinuwersa ang overtime sa clutch triple, ng  14 points.

Tumapos si Cagulangan na may  13 points bukod sa 5 rebounds, 4 assists, at 2 steals, habang tumipa si  Ricci Rivero ng 9 points.

Iskor:

UP (72) – Diouf 17, Cansino 14, Cagulangan 13, Rivero 9, Alarcon 8, Tamayo 6, Spencer 3, Lucero 0, Abadiano 0, Fortea 0.

Ateneo (69) – Belangel 27, Kouame 12, Mamuyac 10, Koon 6, Verano 5, Ildefonso 2, Tio 2, Andrade 0, Daves 0, Chiu 0.

QS: 17-11, 31-27, 46-47, 59-59, 72-69.