(Matapos ang 5-month hiatus dahil sa COVID-19) BASKETBALL BALIK AKSIYON SA CHINA

CBA

NAGBALIK sa aksiyon ang Chinese Basketball Association (CBA) league noong Sabado na closed doors makaraan ang 5-month hiatus sanhi ng coronavirus pandemic.

Ang CBA ang unang  major sports league na muling nagsimula sa China, kung saan nagsimula ang nakamamatay na virus noong nakaraang taon bago kumalat sa buong mundo.

Ang liga ay hinati sa dalawang grupo bilang bahagi ng hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mga player isang grupo na naglalaro sa Qingdao at ang isa sa southern city ng Dongguan.

Ang lahat ng laro ay lalaruin na walang fans, isang hakbang upang hindi kumalat ang virus.

Ang unang laro ay sa pagitan ng Nanjing Monkey Kings at ng Zhejiang Guangsha Lions.

Bago ang laro, ang mga  player mula sa magkabilang koponan ay tumayo at yumuko para sa sandaling katahimikan bilang pag-alala sa mga nasawi sa virus.

Comments are closed.