MAY sapat na consolidated public utility vehicles (PUVs) na nag-o-operate sa Metro Manila, mahigit isang buwan matapos ang consolidation deadline, ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.
Sa isang statement, sinabi ni Bautista na base sa report ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), 80% ng PUV operators at drivers ang umanib sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP).
“Merong mga rutang kailangan sigurong bawasan ‘yung vehicles kasi napakarami [for one route],” pahayag ni Bautista.
Aniya, tinatrabaho ng transportation department, LTFRB at Metro Manila local government units ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
“With the finalization of this LTPRP, talagang masisiguro natin na magiging profitable at sustainable ‘yung mga ruta and that would mean puwede silang maginvest sa modern vehicles.”
Nakapaloob sa LPTRP ang detalyadong route network, mode, at kinakailangang bilang ng PUVs per mode para sa pagkakaloob ng land transport service, na magiging minimum requirement na itinakda para sa pag-iisyu ng PUV franchises.
Sinimulan na ng LTFRB ang panghuhuli sa unconsolidated PUVs dahil wala nang bisa ang kanilang prangkisa matapos ang April 30 consolidated deadline.