(Matapos ang golden performance ng PH sa Olympics) PSC TULOY ANG TRABAHO

HINDI mapipigilan ng magical performance ng bansa sa Paris Olympics ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsisikap at pag-asam pa ng tagumpay.

“Milestones were achieved,” sabi ni PSC chairman Dickie Bachman, patungkol sa Paris Games, sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Huwebes sa Rizal Memorial Sports Complex.

“And to rate our performance (in Paris), I would give it a gold,” ani Bachmann sa forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Smart/PLDT, MILO, at ArenaPlus, ang nangungunang sports entertainment sa bansa.

Si gymnast Carlos Yulo ay nagwagi ng 2 gold medals habang nagdagdag sina female boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas ng bronze medals.

Ito ang pinakamagandang pagtatapos para sa Pilipinas matapos ang 100 taong paglahok sa Olympics, at nagbunyi ang buong sambayanan.

Subalit hindi pa ito sapat para kay Bachman, na isa ring dating atleta.

Matapos ang mga parada, motrocades, mahabang pila ng well-wishers at gift-giving, ang PSC, na siyang funding arm ng gobyerno sa sports, ay nakahandang bumalik sa trabaho.

“It’s time to go back to work. We look forward to continue to win in international events, intensify our grassroots and improve our sports facilities,” dagdag pa ni Bachmann.

Iginiit niya ang papel ng gobyerno sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal sa lahat ng NSAs at sports.

Ayon kay Bachmann, ang grassroots development ang una sa maraming hakbang patungo sa Olympics, kung saan pinatunayan ng mga Pinoy sa huling dalawang edisyon na kaya nilang manalo ng gold.

“You don’t know how hard it is to qualify to the Olympics, and it’s doubly hard to win a medal,” sabi ni Bachmann, umaasa sa patuloy na suporta ng pamahalaan, ni Presidente Marcos at ng Kongreso.

“I thank all the legislators for continuing to support us. And we will just continue with our mandate,” dagdag ng PSC chief. CLYDE MARIANO