BUMALIK ang Philippine peso sa P57:$1 level nitong Biyernes, isang araw makaraang tapyasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang policy rates sa unang pagkakataon sa loob ng halos apat na taon.
Ang local currency ay humina ng 34.5 centavos upang magsara sa P57.245:$1 mula P56.9:$ noong Huwebes.
Sinabi ni Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort na ang paghina ng piso ay nangyari isang araw matapos ang -0.25 [percent] cut sa local policy rates sa 6.25%.
Noong Huwebes ay nagpasya ang Monetary Board ng BSP na tapyasan ang policy rates ng 25 basis points.
Ang target reverse repurchase (RRP) rate ay ibinaba sa 6.2%, habang ang overnight deposit rate ay itinakda sa 5.75%, at ang overnight lending facility rate sa 6.75%.
Ito ang unang cut sa loob ng halos apat na taon o magmula noong November 2020. at ang unang adjustment matapos ang 25-basis point off-cycle hike noong October 2023.