(Matapos ang pag-atake) MGA PINOY SA SAUDI MINO-MONITOR

saudi attack

PATULOY ang ginagawang pagmo-monitor ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga Filipino sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos ang drone attack sa oil facilities sa rehiyon noong nakaraang linggo.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, wala pa rin silang natatanggap na report mula sa mga labor attache sa Jeddah, Riyadh at Dammam.

Hiling nito ay  hindi  maapektuhan ang kalagayan ng mga mang­gagawang Filipino sa lugar.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay pinasabog ang dalawa sa pinakamalaking oil facilities sa mundo sa pamamagitan ng drone attack.

Sinasabing matin­ding maaapektuhan ng pagsabog ang presyo ng produktong petrol­yo, na unti-unti nang nararamdaman dahil sa nakatakdang pagtataas nito ngayong Martes sa bansa, na mula P2.35 kada litro sa gasolina, P1.80 naman kada litro ng krudo.

Comments are closed.