MATAPOS MAGLIPAT-BAHAY, COLEEN GARCIA MAY BAGONG MOVIE

Naglipat-bahay pala sa dakong South (Saan kaya? Batangas? Cavite? Laguna? Baka mamaya mo, sa Mandaluyong lang pala!) ang pamilya Crawford dahil hindi raw safe para sa anak nilang si Amari ang six-bedroom house nila sa Quezon City.

Wala pa raw kasi silang anak nang bilihin nila ang nasabing bahay kaya wala silang mga kinunsiderang pag-iingat para sa bata. Ngayon umano, natatakot silang baka malingat sila at maaksidente ang bata kaya nagpasiya silang lumipat sa safer domicile.

Ibinalita rin ni Coleen na sasamahan ni­lang mag-ina ang asawang si Billy Crawford sa France ngayong September. Nauna nang umalis si Billy bilang pag­hahanda sa mga music festivals.

Dahil makaama raw si Amari, umiyak ito ng umiyak nang umalis si Billy,  kaya babawi sila ngayon. Magkakasama sila ng isang buong buwan.

Sinamahan din ni Coleen si Billy noong 2023 nang dumalo ito sa French edition ng rea­lity franchise show ma Dancing With The Stars (Danse avec les stars). Nanalo siya sa kumpe­tisyon kapartner si Fauve Hautot.

Mananatili ang pa­milya ni Billy sa Boulogne-Billancourt.

“It’s kind of like in the outskirts of Paris,” ani Coleen. “We always choose to stay there because there are no tourists. There are a lot of good restaurants and bakeries. It’s very intimate compared to the big city.”

Uuwi raw naman agad si Coleen sa Manila pagkagaling sa France para panoorin ang  premiere ng kanyang bagong movie, ang Friendly Fire, na ipalalabas sa October 23.

By the way, si Coleen nga pala ay ipinanganak sa Mandaluyong City. Spanish Filipino ang kanyang amang si Jose Luis García, at Filipino naman ang kanyang inang di Maria Paz Ortega. Taga-Barcelona, Spain ang pamilya ng kanyang ama. No wonder, masyadong mestiza si Coleen.

RLVN