(Matapos magwagi sa Billboard Fan Army Face Off 2023) SB19 AT FANDOM NITONG A’TIN INUULAN PA RIN NG PAPURI

HINDI  magkamayaw sa tuwa ang mga tagahanga at inulan ng papuri ang tinaguriang Ppop kings SB19, matapos muling gumawa ng kasaysayan at itanghal na kauna unahang Filipino artists na may pinakamalakas na fandom sa mundo ang A’tin ng naturang Pinoy pride sa Billboard Fan Army (BBFA) Face Off 2023, sa katatapos pa lamang lamang na “close fight” na botohan ng Agosto 8 sa finals ng grupo laban sa katunggali nitong Carats fandom ng tanyag na Kpop na Seventeen.

Ang naturang labanan ay isinagawa ng Billboard Charts, ang pinakaprestihiyosong international na organisasyon na nagsusukat ng pinakamalalakas at mga sikat na mga kanta at artists sa buong mundo. Nagtapos sa 51.1% ang boto ng A’tin ng SB19 na karamihan ay Filipino bagamat marami na ring kasaping banyaga ang naturang fandom, laban sa 48.9 ng Carats.

Ang fan armies ng Billboard ay taunang isinasagawa upang malaman ang pinakamalakas na fandom ng mga sikat na international solo at group artists sa buong mundo. Ang SB19 at fandom nitong A’tin lamang ang bukod tanging Filipino at Southeast Asian na kalahok sa mga nominado sa mga pinakasikat na mga global artists at fandom na katunggali dito sa mundo. Nang nakaraang taon ay muntik nang masungkit ng A’tin ang naturang korona matapos umabot sa finals laban sa mahigpit nitong katunggali na malaking fandom na Stay ng sikat na Kpop na Stray Kids.

Bagamat itinuturing na maliit pa ring fandom, subalit pinatunayan ng naturang Pinoy fandom ang bagsik nito sa botohan lalo na sa dedikasyon nito sa suporta sa SB19 at sa layunin ng tinaguriang Southeast Asian supergroup na ipalaganap ang Ppop, OPM (original Pilipino Music) , musika at kulturang Pilipino sa mundo. Sa ngayon ay kamangha mangha ang unti unting pagkilala at paglago ng pagsuporta ng iba ibang lahi sa SB19.

Sa katatapos pa lamang na naturang showdown sa BBFA, 64 fan armies ng naglalakihang fandom at tanyag na international artists sa buong mundo ang kalahok kabilang ang mga superstars na tulad nila Cardi B, Selena Gomez,Nicki Minaj.Shakira,Twice, Exo, at marami pang iba.

Sa kanilang live IG video nag-congratulate at nagpasalamat ang SB19 sa A’tin sa suporta at kanilang pagkawagi sa naturang Army face off. “Congratulations everyone….actually kinakabahan din ako sa Seventeen. Malakas din talaga ang fandom ng Seventeen…parang feeling ko nga bubuhos rin (ang boto) bigla bigla e,” ayon kay Juan Paulo Nase o kilala bilang Pablo, ang pinuno ng SB19.

“To be honest, hindi na ako nag e-expect…ma-nonimate pa nga lang dun, parang okay na.Tapos umabot pa tayo sa semi finals.So parang dun palang, okay na, Nakilala na.Tapos nanalo pa tayo,” ayon kay Stellvester Ajero, o kilalang Stell, ang main vocalist at choreographer ng SB19.

Ang SB19 ay patungo pa lamang sa Canada para sa mga nakatakda nilang konsiyerto sa mga siyudad dito matapos ang series ng matagumpay nila ng concerts sa iba ibang estado sa U.S. para sa kanilang Pagtatag World Tour.

Sa Twitter, at facebook makikita ang sari saring kasiyahan sa mga tweet ng naturang fandom at ilang araw ng trending mula ng kanilang pagkapanalo.

“Ung finally hindi na lang tayo nominees, pero winner na. Di pa rin nagsi-sink in! We worked hard for this at heto na siya! Many more opportunities to come for our Mahalima (SB19) so the world will know about them”, ayon sa twitter post ni Psalmist A’tin//North Luzon.

“SB19 supremacy! Let’s give a roaring round of applause to the phenomenal warriors of music fandom”SB19’s awe- inspiring A’tin!” ang tweet ng Official PEP.Ph.

“The group (SB19) announced the win on Twitter. They said congratulations A’tin! You’ve once again proven the power that you hold.Maraming salamat”, esbi made in ph.

Asta! SB19Fanboy account quoted: “Valenciano (a son of Gary Valenciano, an OPM icon): We are planning world class content-like SB19 who just won an award and their being exposed to US audience…we are very excited.We feel there are many local acts who deserve that kind of recognition.”

“SB19 are truly the standard,”@Koreaboo.

“Sarap sa pakiramdam di ba?Me bandila na ng Pilipinas.That’s what SB19 and A’tin are trying to do.To put ppop,opm and Philippines in the map at makilala sa mundo,”@Baby.
Ma. Luisa Garcia