(Matapos na matalo sa Singapore) MMA: FOLAYANG ‘DI PA MAGRERETIRO

Eduard Folayang

HINDI pa handa si Eduard Folayang na isabit ang kanyang MMA gloves makaraang malasap ang masaklap na pagkatalo noong Biyernes ng gabi.

Nalasap ng 2-time former lightweight champion ang unanimous decision loss laban sa mas matangkad na si Antonio Caruso ng Australia sa ONE: Inside the Matrix.

“Things didn’t go the way that I planned it, but it’s the sport… Everything happens in the ring,” sabi ni Folayang sa isang online press conference matapos ang bakbakan.

“I really need to assess my performance because my mind is very clear on this fight but I think the conditioning didn’t do well. So I really need to check on the small details that I need to fix.”

Ito na ang ika-4 na pagkatalo ni Folayang sa limang laban. Ang huli niyang panalo ay ang technical decision kontra Amarsanaa Tsogookhuu ng Mongolia noong No-vember 2019.

Nahirapan ang dating  champion sa taas ng katunggali kung saan ang 5-foot-11 na si Caruso ay may 2-inch height advantage laban sa kanya.

Nakitaan din siya ng pagkapagal lalo na sa round 2 habang nakikipagbuno sa Brazilian Jiu-Jitsu champion mula sa Australia.

“I think I did well in all the rounds but it’s my opponent’s night, so let’s give him credit,” ani Folayang.

“I’m not contemplating retirement yet. I need to reassess myself and be back into the circle again.”

Comments are closed.