“MATATAPANG” NA PULIS ITATAPON SA MINDANAO

NASA mahigit 100 na pulis na matatapang o maangas ang ipatatapon sa Mindanao kaysa magpalaki ng kanilang mga tiyan sa PNP Holding and Accounting Unit, ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Po­lice (PNP).

Ito ang inihayag ni PNP spokesman Chief Supt. John Bulalacao at inaming posi­bleng makasama ang mag­kakapatid na sina PO1 Reniel Soriano, PO1 Rendel Soriano at PO3 Ralph Soriano na una nang nag-viral ang video matapos sugurin ang isang lalaking nakagitgitan lamang sa trapiko.

Ayon kay Bulalacao, bu­kod sa tatlo, ipadadala rin sa Mindanao ang ibang pulis na walang ginagawa at katata­pos lamang ng schooling.

Ang nasabing hakbang ay makatutugon din sa mga hinaing ng mga ground com­mander kay PNP chief Direc­tor General Oscar Albayalde nang dumalaw ito sa Mindanao kaugnay sa kakulangan ng trabaho.

Nangangailangan aniya ng dagdag na pulis sa Mindanao lalo’t nalalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Bukod dito, nasa ilalim pa ng Martial law ang Mindanao region dahil sa giyera sa Marawi City.

Magugunitang may isang mataas na opisyal na ng PNP na itinapon sa Mindanao ang nilikida ng hinihinalang law­less elements. VERLIN RUIZ

Comments are closed.