MATAYOG ANG LIPAD

UAAP BASKETBALL

Mga laro sa Sabado:

(Smart Araneta Coliseum)

2 p.m. – Ateneo vs NU (Men)

4 p.m. – FEU vs DLSU (Men)

MULING nadominahan ng Ateneo ang  University of the East upang kunin ang solong liderato, habang pinadapa ng University of the Philippines ang Far Eastern University upang mapalakas ang kanilang kampanya para sa Final Four sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Kumarera ang Blue Eagles sa 33-point halftime lead bago naitarak ang  90-70 panalo kontra  Red Warriors upang lumapit sa pagkubra ng puwesto sa semifinals.

Nagpasabog si Paul Desiderio, nag-init sa 3-point area, ng 18 sa kanyang career-high 31 points sa first period at tumabla ang Fighting Maroons sa Tamaraws sa No. 4 sa pamamagitan ng 95-82 tagumpay.

Naitala ang ika-8 panalo sa 10 asignatura, pinatalsik ng Ateneo ang  Adamson sa  top spot.

Nagwagi sa ikalawang sunod na laro, nagpasabog ang UP ng 37 points sa  opening quarter at inapula ang pag­hahabol ng FEU upang umangat sa 5-5 kartada.

Nagbuhos si Ivorian first year center Ange Kouame ng 18 points, 16 rebounds at 3 blocks, habang kumana si Tyler Tio ng career-high 16 points para sa Eagles.

Mula sa one-game suspension ay kumamada si Thirdy Ravena ng 10 points, 5 rebounds at 4 assists.

“He is one of the guys who can rebound for us, who can pass for us. He can defend. He can penetrate and he can score. That’s important for us,” wika ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

“We are happy that Thirdy is back. We feel his presence. To his credit, even though he was not able to play in our last game, he helped his teammate to get ready,” dagdag pa niya.

Sa women’s division, nagsalansan si Congo’s Rhena Itesi ng  23 points at 14 rebounds nang maitala ng titleholder NU ang ika-73 sunod na panalo upang pantayan ang league win streak record sa lahat ng sports sa pamamagitan ng 86-58 pagbasura sa Adamson.

Nagpakawala naman si Sai Larosa ng 35 points at 14 boards nang tambakan ng UST ang UP, 103-58, para sa ikatlong sunod na panalo at tumabla sa FEU sa 6-3 sa ikalawang puwesto.

Iskor:

Unang laro:

Ateneo (90) – Kouame 18, Tio 16, Verano 14, Ravena 10, Mendoza 10, Mamuyac 6, Belangel 6, Navarro 5, Black 3, Daves 2, Asistio 0, Wong 0, Go 0, Andrade 0.

UE (70) – Pasaol 29, Manalang 18, Varilla 9, Cullar 6, Bartolome 4, Strait 2, Guion 1, Beltran 1, Gallardo 0, Lacap 0, Antiporda 0, Acuno 0, Gagate 0.

QS: 29-15, 57-24, 73-51, 90-70

Ikalawang laro:

UP (95) – Desiderio 31, Akhuetie 20, Gomez de Liaño Ju. 19, Manzo 11, Dario 6, Gomez de Liaño Ja. 4, Jaboneta 2, Gozum 2, Vito 0, Murrell 0, Lim 0, Prado 0.

FEU (82) – Bienes 14, Eboña 13, Comboy 12, Cani 11, Iñigo 10, Escoto 10, Ramirez 5, Stockton 3, Parker 2, Tuffin 2.

QS: 37-30, 54-43, 78-65, 95-82