NAGPAALALA kahapon ang Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga babaeng manggagawa at empleyado ay entitled sa pagtanggap ng tax-free maternity benefits sa ilalim ng expanded maternity leave law.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, alinsunod sa Department Advisory No. 01-A, Series of 2019, ang salary differential na bina-bayaran ng mga private sector employer sa mga babaeng empleyado nito na nag-a-avail ng expanded maternity leave ay exempted mula sa income at withholding taxes.
Nabatid na ang salary differential ay ang pagkakaiba sa pagitan ng full salary ng isang babaeng manggagawa sa kanyang maternity leave at actual cash benefits na tinatanggap mula sa Social Security System (SSS).
“The department advisory is pursuant to Revenue Memorandum Circular No. 105-2019 issued by the Bureau of Internal Revenue which clarifies the proper tax treatment of maternity leave benefits under the 105-Day Expanded Maternity Leave Law,” anang DOLE.
Salig sa memorandum circular, ang mga probisyon ng Republic Act 11210 at implementing rules and regulations nito, na inisyu ng Civil Service Commission, DOLE at SSS, nasasaad na ang mga manggagawang nag-a-avail ng maternity leave period at benefits ay dapat na tumanggap ng kanilang full pay. ANA ROSARIO HERNANDEZ