MATET DE LEON PALAG SA BASHING NA WALA SILANG UTANG NA LOOB NI LOTLOT 

matet de leon

PINABULAANAN ni Matet de Leon ang tsika na may problema siya sa kanyang ina reflectionat Superstar na si Nora Aunor. Bina-bash daw kasi sila ng kanyang Ate na si Lotlot de Leon sa social media tungkol sa kawalan nila ng utang na loob kay Nora.

“Hindi kasi kami ganoon, e, ‘yung usap nang usap kahit sa social media. Hindi kami ‘yung update-an nang update-an. Pero kapag nagkita kami si Mommy mamaya d’yan, parehas lang. Hindi lang kami ‘yung pamilyang kagaya ng iba na piktyuran nang pik­tyu­ran. Dahil ayaw ng nanay ko’ng magpapitkyur sa amin. Hindi niya type.  Baka magalit pa ‘yun.”

Kaya lang when we asked her kung bakit wala si Ate Guy sa wedding ni Lotlot, hindi masagot ni Matet. Wala rin siyang masabi kung true ba na may sama ng loob si Lotlot kay Ate Guy.

For the record wala raw talaga silang problema sa kanilang Mama Guy.

Ang ikinaiirita ni Matet ay ang bashers nila ng kanyang Ate Lot sa social media. Nasaktan daw siya sa mga sinasabi sa kanila ni Lotlot.

“Pinaka-na-hurt ako ‘yung walang utang na loob. Oo, kasi parang hindi ako ‘yung walang utang na loob. Alam ko’ng ampon kami. Kung wala si Mommy, wala kami dito. Alam na alam namin ‘yun and very grateful kami kay Mommy dahil kung hindi dahil sa kanya hindi kami lalaki ng maaayos, e. Hindi  kami magiging magkakapatid, e,” say niya.

Madiin pa niyang sinabi na hindi sila ingrata ni Lotlot.

“Hindi kami (‘yung) walang utang na loob. Hindi lang kami ‘yung ganoong pamilya na showy lalo na sa Instagram. Kasi wala namang Instgram ang Mommy ko, e. So, saan ko siya ita-tag?’

Pinapatulan daw ni Matet ang mga basher.

“Lagi, araw-araw. Oo, nakikipag-away ako sa kanila. Bored ako, e. Wala ako minsan magawa, ‘Papatulan ko siya.’ Ganoon ako. Ang ending, tumatahimik siya.”

Feeling ni Matet this so-called “Noranians” ang bashers nila ni Lot.

“Pero ‘yung totoo na Noranians, kaibigan namin sa Facebook. Nakakausap namin. Alam namin. Kaya sana, e, huwag na makikialam masyado kung wala namang alam,” mensahe ni Matet.

Kabilang si Matet sa bagong serye sa tanghali sa Kapamilya network, ang “Nang Ngumiti ang Langit” bilang misis ni Kempee de Leon. Si FM Reyes ang direktor nina Matet sa ilalam ng unit ni Direk Ruel S. Bayani na magsisimula sa Lunes, March 25, bago mag-It’s Showtime.

JANELLA  SALVADOR ITINANGGING NAGPARETOKE

BANAAG sa mukha ni Janella Salvador ang excitement sa kanyang showbiz career JANELLA  SALVADORduring the digital conference ng single niya titled “Take It Easy.”

Tila nag-blossom na into a beautiful woman si Janella. Kaya may-I ask agad namin siya baka sign ‘to na in love siyang muli.

“In love ako sa sarili ko ngayon. Wow,” kasunod ang tawa ni Janella.

She’s not yet ready to fall in love again. Kung kailan siya mai-in love ulit, hindi niya raw alam.

“We’ll see. Kung may dumating, e, ‘di may dadating,” ngiti niya.

May nagtanong kay Janella during the digicon kung meron ba siyang kinai-insekyuran sa kanyang mukha at katawan.

“It’s normal to feel insecure. And dati, I used to be insecure about,  si­guro my nose. Yeah, like before. Dati nai-insecure ako. Pero ngayon, hindi na talaga. Tanggap ko na kasi. This is what the real me. This is bagay sa face ko. Eto na talaga.  Kilala na po this face and I just, might as well confident na rin,” esplika pa niya.

Marami nga raw ang nag-akala na ipina-ayos ni Janella ang kanyang ilong.  “Excuse me,” diin niya. “Ganyan-ganyanin ko pa sa harapan ninyo,” sabay pisil at galaw ni Janella sa kanyang ilong.

She felt insecure about it but she never did anything.