MAKIKIPAGPULONG sa Department of Education (DepEd) ang National Academy of Science and Technology (NAST) Philippines ng Department of Science and Technology (DOST) para mapalakas ang Mathematics at Science education sa bansa.
Ayon kay NAST Philippines President Academician Rhodora Azanza, bilang highest recognition at scientific advisory body ng bansa sa ilalim ng Department of Science and Technology, tungkulin nilang magsulong ng rekomendasyon para mapataas ang kali-dad ng edukasyon.
Ang naturang hakbang ay bahagi ng pagtalima sa hakbang ng United Nations na isulong ang quality education na nakapaloob sa UN sustainable development goals na siyang nakapaloob sa mga tatalakayin sa 41st Annual Scientific Meeting ngayong Hulyo na pangungunahan ng NAST Philippines Mathematical and Physical Sciences Division.
Sinabi pa ni Azanza, sa kasalukuyan ay malaki pa rin ang suliranin patungkol sa Math at Science subjects sapagkat ito ang nangunguna sa mga kinatatakutang subject ng mga Filipino lalo ng mga kabataan.
Ito ay dahil sa natukoy ang maling pamamaraan ng pagtuturo ng mga guro. Aniya, may iba’t ibang istratehiyang ginagamit sa mathematical computation at kadalasan, ang iginigiit na ituro ng mga guro ay ang nakasanayan nilang sariling pamamaraan na maaaring hindi na naaayon sa kasalukuyang pormulasyong ginagamit ng estudyante.
Ayon pa kay Azanza, dapat maging bukas sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo ang Math and Science teachers, kaya nakatakda si-lang makipag-ugnayan sa DepEd ukol dito. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.