MATIBAY NA SCHOOL BUILDINGS ITATAYO SA DISASTER-AFFECTED AREAS

Tuloy na tuloy na ang pagtatayo ng mas matitibay sa gusali ng paaralan sa nga lugar na winasak ng bagyo, lindol at anupa mang kalamidad upang hindi na maabala ang pag-aaral ng mga estudyante.

Mahalaga umano itong bahagi ng MATATAG Agenda nina Vice President at Secretary of Education Sara Z. Duterte.

Isasagawa ang ISRS Project sa lalong madaling panahon at inaasahang matatapos sa loob ng limang taon sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Popondohan naman ito sa pamamagitan ng official development assistance loan mula sa World Bank.

Ang ISRS project na tinatayang aabot sa Php 30.56 billion, ay naglalayong solusyunan ang problema ng mga nasira o naapektuhan ng mga kalamidad mula 2019 hanggang 2023.

Makikinabang dito ang 4,756 school buildings, 13,101 classrooms, at humigit-kumulang sa 741,038 mag-aaral sa 1,282 target school beneficiaries.

May apat na components ang proyekto kung saan kasama ang 1) Relatively Simple Works for School Infrastructure Recovery; 2) Relatively Complex Works for School Infrastructure Recovery to be implemented; 3) Project Management, Monitoring and Evaluation; at 4) Contingent Emergency Response Component.

Dagdag pa rito, kasama rin ang pagpapaganda at pagpapatatag ng procedures and tools, gayundin ang training sa DepEd units upang masiguro ang sustainability ng proyekto.

Gagamitin ng ISRS project ang mga kaugnay na Environmental and Social Standards (ESSs) sa ilalim ng Environmental and Social Framework (ESF) ng World Bank na dinisenyo upang maiwasan, mabawasan, o magawan ng paraan ang matinding environmental and social risks and impact.

(RLVN)