MATINDING INIT MAGPAPATULOY

ASAHAN  ang patuloy na mainit na panahon sa susunod na tatlong araw lalo na sa malaking bahagi ng Luzon dulot pa rin ng easterlies galing sa dagat ng Pasipiko bagamat posible ang biglaang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ito ay ayon sa forecast na ipinahayag ni Grace Castaneda, Weather Specialist ng Philippine Atmopsheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Linggo, April 28.

Habang ang Visayas ay generally fair weather na maaring magdulot ng localized thunderstorms.

Ayon kay Castaneda, patuloy pa rin makararanas ang malaking bahagi ng bansa ng mainit at maalinsangan na panahon, lalong lalo na sa tanghali at may posibilidad na may mga isolated na mga pag-ulan na magdudulot ng mga localized thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala pang namo-monitor na sama ng panahon, na maaaring makaapekto sa Pilipinas sabi ni Castaneda.

“Ngayong Linggo ang buong bahagi ng Luzon kasama na ang Pilipinas ay patuloy na makakaranas ng mainit at maalinsangan na panahon lalo na sa tanghali kaya kung lalabas ‘wag kalimutan ang pananggalang sa direktang init ng araw at limitahan ang outdoor activities. Kung ‘di maiiwasan ay huwag kalimutangang maya’t mayang pagpapahinga, at sumilong at uminom ng tubig upang maiwasan ang epekto ng mainit na panahon sa kalusugan.

May mga posibildad pa rin ng biglaang pag ulan at pagkulog ,” ang sabi ni Castaneda.

“Extreme heat has scorched Southeast Asia in recent days, prompting thousands of schools to suspend in-person classes and authorities to issue health warnings.In the Philippines, many people flocked to air-conditioned shopping malls and swimming pools for relief from the relentless heat,” iniulat ng international agency na Agence France-Presse.

Samantala, ang forecast sa iba ibang bahagi ng bansa ay inaasahang patuloy na maglalaro sa mataas na level ng heat index mula sa 42°C hanggang 48°C. Nitong Sabado, naglabas ng forecast ang weather bureau na may mataas na heat index sa loob ng dalawang araw ang mga sumusunod: NAIA Pasay City, Metro Manila – 45°C;
Science Garden, Quezon City, Metro Manila – 43°C;Sinait, Ilocos Sur – 43°C;Laoag City; Ilocos Norte – 44°C;Dagupan City, Pangasinan – 46°C;MMSU, Batac, Ilocos Norte – 43°C;
Bacnotan, La Union – 44°C;Calayan, Cagayan – 42°C;Aparri, Cagayan – 47°C;Tuguegarao City, Cagayan – 46°C;NVSU Bayombong, Nueva Vizcaya – 42°C;ISU, Echague, Isabela – 44°C;Clark Airport (DMIA), Pampanga – 42°C;CLSU Muñoz, Nueva Ecija – 42°C;Baler (Radar), Aurora – 42°C;Casiguran, Aurora – 42°C;Cubi Pt. Subic Bay Olongapo City – 43°C;Tayabas City, Quezon – 42°C;Sangley Point, Cavite – 45°C;Ambulong, Tanauan, Batangas – 44°C;Calapan, Oriental Mindoro – 44°C;Coron, Palawan – 44°C;San Jose, Occidental Mindoro – 44°C;Puerto Princesa City, Palawan – 42°C; Aborlan, Palawan – 44°C;Daet, Camarines Norte – 45°C;Legazpi City, Albay – 43°C;Virac (Synop);Catanduanes – 54°C;Masbate City, Masbate – 43°C;CBSUA-Pili, Camarines Sur – 45°C;Roxas City Capiz – 44°C;Mambusao, Capiz – 44°C;Iloilo City, Iloilo – 44°C;Dumangas, Iloilo – 44°C;La Granja, La Carlota, Negros Occidental – 43°C;Guiuan, Eastern Samar – 43°C;Dipolog, Zamboanga del Norte – 44°C;Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 43°C;Davao City, Davao del Sur – 42°C;Butuan City, Agusan del Norte – 42°C

Sa ilalim ng heat index danger level, maaaring makaranas ang isang tao ng heat cramps, heat exhaustion o heat stroke .Ma. Luisa Macabuhay-Garcia