(Matinding naapektuhan ng Bagyong Paeng) 1,250 PAMILYA INAYUDAHAN NG JRP CARES

CAVITE- NAMAHAGI ng relief goods ang grupo ng JRP Cares sa bayan ng Rosario at Noveleta sa lalawigang ito na matinding napinsala ng Bagyong Paeng.

Ang pamamahagi ng tulong ay pinangunahan ng magkaibigang Mike Ivan Presa at Renz Mateo kasama ang buong staff ng JRP Cares.

“Prayoridad namin ang laging makatulong sa kapwa, masaya na kami sa bawat ngiting nakikita namin sa tao sa pagtanggap ng aming munting tulong”, ani Presa.

Umabot sa 1,250 pamilya ang nabiyayaan ng tulong ng JRP Cares.

Si Presa ay isang batang negosyante na kumikita sa pamamagitan ng pagbebenta ng iba’t ibang piyesa ng motor ng JRP na nagmula sa bansang Thailand. SID SAMANIEGO