MATINDING PARUSA SA GUMAGAMIT NG BATA SA KRIMEN

Sen Joel Villanueva

NANANAWAGAN si Senador Joel Villanueva sa kapuwa mambabatas na bigatan ang parusa sa mga gumagamit sa mga kabataan para gumawa ng isang krimen.

Ito ang isa sa nakikitang solusyon ni Villanueva sa dumaraming bilang ng mga kabataan na nasasangkot sa krimen.

Anang senador, sa halip na ibaba ang criminal liability sa 9 taong gulang tulad ng naipasa ng Kamara, mas makabubuti na bigatan na lamang ang pa-rusa sa mga gumagamit sa mga bata sa mga ilegal na operasyon o pagpasok sa krimen.

Naniniwala si Villanueva na ang mga ino­senteng kabataan ay biktima rin ng mga matatanda na nagtuturo ng mali kapalit ng pananakot o malaking halaga.

Kasabay nito, hiniling ng senador sa gobyerno na palakasin ang intelligence unit at gawin ang lahat ng kapasidad para mapababa ang krimen sa halip na parusahan ang mga kabataan.

Aniya, dapat din na i-improve pa ang mga rehabilitation.

Comments are closed.