IGIGIIT ni Senador Francis Tolentino na parusahan ang mga responsable sa sakunang nagaganap sa karagatan.
Ito ang nakapaloob sa inihain ni Tolentino na Senate Bill No. 209 o ang tinatawag na Good Samaritan At Sea Law na layong masigurong mapapatawan ng parusa ang mga kasalanan sa insidenteng pangkaragatan..
“As a key player in the global maritime industry, it is imperative for the Philippines to stay true to its commitments to the international community to implement and enforce laws affecting maritime safety in order to protect not just the standing of the country in the international community but also to protect the lives of thousands of Filipinos at sea,” diin ni Tolentino .
Ang reaksiyon ng senador ay matapos na humingi ng paumanhin ang may-ari ng Chinese ship na bumangga sa bangka ng mga Pinoy.
Ayon kay Tolentino, ito ang patunay na nagsasabi talaga ng totoo at hindi sinungaling ang mga Pinoy batay sa unang imbestigasyon.
Binigyang-linaw pa nito na bagaman dalawang buwan na ang nakalilipas na maituturing na isang malaking tulong ang paghingi ng paumanhin ng may-ari.
Dahil dito, sinabi ni Tolentino na maaring maghabol ng civil claim for damages ang mga mangingisda.
Iginiit pa nito na malaking pakinabang ito sa mga susunod na panahon sakaling mayroong parehong pangyayari.
Ipinakita rin ng paumanhin ang pagbibigay ng proteksiyon sa karapatan ng ating soberanya. VICKY CERVALES