MAGIGING mabigat ang daloy ng trapikong mararanasan ng mga motorista ngayong linggo sa ilang lugar sa Kalakhang Maynila bunsod na naman ng road re-blocking na gagawin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at pagkukumpuni ng isang kompanya ng tubig sa ilang mga kalye.
Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula alas-11:00 ng gabi ng Nobyembre 23 ay isinara ang bahagi ng Southbound ng C-5 Road tabi ng SM Aura (4th and 5th lane from median), C-5 Road bago mag Pasig Boulevard, C-5 flyover, EDSA-Scout Albano malapit sa Shell Gasoline Station (beside sidewalk) at Scout Borromeo malapit sa GMA 7 (2nd lane from sidewalk) bunsod ng isasagawang road re-blocking dito.
Gayundin ang Northbound ng EDSA sa harap ng Northstar Motor Corp. (1st lane sidewalk), Batasan Road malapit sa CSC Central Office (4th lane from center) at Mindanao Avenue Mindanao tunnel hanggang Old Sauyo footbridge (trucklane).
Magsasagawa rin ng concreting road restoration sa Quirino Highway (SB) mula panulukan ng Mindanao Avenue hanggang Villa Sabina (1st lane from sidewalk), Mindanao Avenue (NB) mula Lukara St. hanggang Socorro St. (1st lane from sidewalk), Road 10 (NB) Visayas Avenue – Road 1 intersection (1st lane from sidewalk).
Ang nabanggit na mga kalye ay muling mabubuksan at madadaanan ng mga motorista dakong ala-5:00 ng umaga ng Lunes ng Nobyembre 26.
Kaya’t panawagan ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga kalye at dumaan na lamang sa mga itinalagang alternatibong ruta para hindi maabala sa pupuntahan.
Gayundin, alas-10:00 ng gabi, Nobyembre 23 ay magsasagawa ng restoration ang Manila Water Co. Inc. hanggang Nobyembre 26 sa kahabaan ng Southbound C-5 Road, harapan ng Mossaico, Solace Spa, Wilcon Depot at Hyundai Ser-vice Center. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.