TINIYAK ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police- Directorate for Operations (PNP-DO) na si PMaj. Gen. Rhodel O. Sermonia na epektibong police operations ang kanyang iseserbisyo sa publiko bilang bahagi ng kanyang pagsunod sa mga direktiba ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar.
Ayon kay Sermonia, kumbinasyon ng kanyang expertise sa community relations at operations ang ipatutupad para sa epektibong police operations kasama na ang paglaban sa droga at high profile criminals gaya ng iba’t ibang sindikato.
Kabilang sa pamosong programa na isinagawa ni Sermonia noong ito ay director ng Police Community Relations (PCR) katuwang ang Police Community Affairs and Development Group ang BarangaYanihan, na tumutulong sa mga komunidad sa liblib na lugar gaya ng pagtuturo ng mga pulis sa mga kabataang mag-aaral, sa mga ina,at guro at mga maysakit, na suportado naman ng liderato ng PNP.
Ilang beses nang pinuri ni Eleazar ang mga programang pamana ni Sermonia sa PCR na ngayon ay pinamumunuan ni Maj. Gen. Bartolome Bustamante gayundin ang PCADG na pinamumunuan naman ni BGen. Eric Noble.
Si Sermonia ay miyembro ng Philippine Military Academy ‘Makatao’ Class of 1989 Sermonia at naging regional director ng Police Office Region 3.
Makulay ang pagiging police official ni Sermonia at kabilang sa matagumpay na operasyon hito ay noong maging pinuno siya ng TF Maverick ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nagresulta ng paglansag sa Patinio Kidnapping-for-Ransom Group, pagkamatay ng anim na miyembro ng Kuratong Baleleng Group sa isang shootout sa Dasmariñas City; at ang pagkamatay gn dalawang ranking New People’s Army officers sa General Trias, Cavite.
Siya rin ang dahilan ng neutralisasyon ng pitong miyembro ng dalawang carnapping, robbery-holdup at hijacking syndicates sa Metro Manila at Laguna. EUNICE CELARIO
790735 692454Wow, suprisingly I never knew this. Keep up with very good posts. 87326