BIBIGYAN ko lang ng pansin ang isinagawang mall tour ng Jams Top Model 2018 sa SM Center sa Sangandaan Caloocan City. Naimbitahan ako ng CEO/ President ng Jams Artist Production na si Ms. Angel Flores aka Maricar Moina at ng hubby niyang si Mr. Jojo Flores. Lume-level up na po tayo, hindi lamang ako pang-sports, pang-entertainment na rin.
Nakaaaliw ang mga nag-audition para sa upcoming singing contest na ala-‘Tawag ng Tanghalan’, ang Jams Dream Stars. Maraming magagaling at magaganda ang boses na nag-audition sa naturang lugar. As of 10:00 a.m. ay marami ang nakapilang mga bata at teenagers para bigyan ng katuparan ang kanilang pangarap.
Ngunit mas naka-focus ang Jams Artist sa nalalapit na big event nito, ang Jams Top Model 2018 na gaganapin sa Nobyembre 19 sa MOA Arena sa Pasay City. Noong Sabado ay rumampa ang mga naggagandahan, guwapo at cuties na kalahok sa Jams Top Model.
Nakaka-inspire ang mga kalahok, lalo na ang mga bata na may edad 6-9 para sa category 1, at mapapahanga ka sa kanilang paglalakad at pag-pose na animo ay mga professional na. Siyempre pa, ‘di pahuhuli ang category 2 na ang edad dito ay 10-15 at ang category 3 ay 16-25 yrs. old. Habang papalapit ang coronation ay lalo namang humuhusay ang pagrampa ng mga contestant. Ang magtsa- champion ay tatanggap ng P150,000 cash; 1st runner-up, P100,000; at 2nd runner-up, P50, 000.
Abangan ng mga taga-SM Valenzuela ang mall tour ng Jams Top Model sa Agosto 5, 10:00 am pa lang ay nandiyan na sila sa SM Valenzuela entertainment place. At siyempre, salamat sa one-stop soap. Good luck sa lahat na aspiring models..
oOo
Ibang laro ang ipinakita ni Matt Nieto sa laban nila sa host Chinese-Taipei. Isang malakas na three-point bomb ang pinasabog nito mula sa pasa ni Thirdy Ravena upang maiuwi ang kanilang ika-5 panalo, 77-76, sa 40th William Jones Cup na ginaganap sa Taipei. Sa ipinakikitang laro ni Nieto ay puwedeng-puwede na siya sa PBA.
Pero sa mga player ni coach Tab Baldwin, ang UAAP season 81 ang kanilang pinaghahandaan this coming August. Con-grats Matt Nieto, keep up the good work!
Comments are closed.