MATTEO GUIDICELLI AT JERICHO ROSALES TODO SUPPORTA SA FUND DRIVE NG ISANG KAPUSO HOST

Matteo and Jericho

GUMAWA si Drew Arellano ng isang programa online kung saan ay nagbebenta siya ng mga bagay-bagay na pag-aari ng mga artista, mga wallfacebagay na may kaugnayan sa motorsiko, tinawag ni Drew itong “Drew’s Closet”.
Sa naturang online auction show, ibebenta ang ilang pre-loved items ni Drew at ng mga celebrity guest, at ang malilikom na pondo ay ipagkakaloob sa charity kaugnay na rin ng umiiral na enhanced community quarantine. Ang lahat ng malilikom na salapi ay diretso sa napiling charity institution.
Sa unang episode ng online show ni Drew, ay kinakitaan agad ng total support ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli kung saan ay nagbigay si Matteo ng ilan sa mga mahal niyang gamit sa kanyang pagmomotor.
Ngayon sa second episode ng online show ni Drew, ay pinakiusapan naman niya ang isa pa ring Kapamilya friend na si Jericho Rosales. Di naman nagdalawang-isip pa ang hunk actor at binigyan niya si Drew ng ilan sa paborito niyang motorcycle gear at cool stuffs used for motorcycling.

(Pareho na silang ‘nakaraan’) KEANNA REEVES DINUROG SI MYSTICA, ‘WAG NA RAW PAPANSIN

DUROG na durog ang anti-administration na si Mystica sa ginawang banat sa kanya ng mga pro-Duterte naman na si Keanna Reeves. Kung matatandaan ay galit na galit na nag-video blog si Mystica at todo mura pa ang kanyang ginawa sa presidente. Kung minura ni Mystica si Tatay Digong, siya naman todo puri niya kay VP Leni Robredo.
Umani ng katakot-takot na batikos ang vlog na ito ni Mystica na inabot pa ng part 6. Pero di ito pinalagpas ng isa pa rin nananahimik na ang karir at pro-administration naman na si Keanna Reeves.
Ani ni Keanna, hindi niya raw ma-take ang ginawa ng “has been” na singer. Lalo raw itong nagmukhang losyang at gurang sa paiyak-iyak epek na may kasamang pagmumura. Masyado na raw stressful ang mukha ni Mystica na sumobra naman daw sa pagiging papansin.
Ani pa ni Keanna, dapat ay nanahimik na lang si Mystica at wag nang umepal pa. Hindi na raw maganda ang ginawa niyang pakikisawsaw sa politics. Para kasi kay Keanna, nagpapapansin lang si Mystica at sadyang makapal ang apog nito na wala na raw na kahit anong batikos o mura ang tatalab sa kanya.
Tila raw isinilang si Mystica para lumamon ng lait. Lalong hindi rin daw maganda yung tila nagpapakilala siya sa mga bagong sibol na kabataan.
Say pa ni Keanna sa kasalukuyang takbo ng kanilang karir, past is past na raw sila at walang silbi na makilala man sila ng millennial kung babastusin at mumurahin din lang naman si Mystica kapalit ng makilala siya ng millennials.

Comments are closed.