Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo masaya kahit wala pang baby

MASAYA  kahit simple lamang ang buhay ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, at umaasa silang sooner or later, pagbibigyan ng Diyos ang kanilang mga dasal na magkaroon na ng baby.

Handang-handa na raw silang maging mga magulang, at sana nga, pagbigyan na sila ngayong taon.
Pero si Sarah pa rin umano ang kanyang priority sa ngayon at ang kanyang pamilya. Kung makasasama sa kalusugan ni Sarah ang pagbubuntis, mas pipiluiin pa rin niya si Sarah kahit gustong gusto na niyang magkaanal.

By the way, may possibility nga palang makasama si Matteo sa nalalapit na 49th Metro Manila Film Festival. Siya na kasi ang bagong Penduko. Finally, nagbida rin si Matteo.

Ngunit may isa pa palang wish si Matteo. Sana raw ay magkaroon sila uli ng movie ni Sarah dahil 2011 pa ang last movie na magkasama sila. Ang Catch Me I’m In Love. Malabo pa at wala pa ring alok sa kanilang dalawa, pero malay natin?

One at a time lang daw naman ang wish niya, at sa ngayon, sana, baby muna. Pero kahit wala pa silang baby nui Sarah, masaya pa rin sila.