MATTEO GUIDICELLI SUMABAK SA ARMY RELIEF OPERATIONS SA BATANGAS

MATTEO GUIDICELLI

SUMABAK na si Matteo Guidicelli sa kanyang tungkulin bilang isang mi­yembro ngbuzzday Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng relief goods sa Sto. Tomas City, Batangas.

Sa post ni Matteo sa kanyang Instagram account nitong nakaraang January 14, kasama ang mga kapwa niya sundalo ng Philippine Army team sa evacuation center sa Barangay Poblacion 3 sa Sto. Tomas. Isa ito sa mga kalapit-bayan sa Batangas na kasaluku­yang kumukup­kop sa mga nagsilikas na mamamayan mula sa Talisay at Agoncillo na kalapit ng sumabog na  Taal Volcano noong Linggo, January 12.

In his IG account, the 29-year old actor shares two photos showing a military truck his troop used to bring foods, drinks at relief goods for more than 30 family evacuees and 200 individuals.

Nagpasalamat si Matteo sa online grocery platform na katuwang ng Army troop which collected donations and other support for the affected families brought by the volcanic eruption.

Post ni Matteo: “Thank you very much @landersph team for the generous donation of relief goods to the Philippine Army for victims of the eruption.

“Landers is accepting donations, follow @landersph for more information!!”

Marami ang nagpaabot ng pasasalamat at paghanga sa aktor at sa Philippine Army sa ipinamahaging tulong sa evacuees.

May mahigit 1,000 likes at mahigit 1,000 shares na ang naturang picture ni Matteo, na inulan ng komento ng pasasalamat mula sa mga Batangueño.

Even singer-comedian Eric Nicolas, posted on his Facebook account his photo with Matteo after catching up with the troop while they were loading relief goods and grocery items for distribution at Landers parking area.

He jokingly said in the caption that he had a picture taken with one of the soldiers who, he claimed, “parang pamilyar” sa kanya.

Ang litrato ni Matteo na nakasuot ng surgical mask ay ipinost ni Lhen Pagaduan delos Reyes, Administrative Aide I ng pamahalaang lungsod ng Sto. Tomas.

Samantala, nag-post na rin si Angel Locsin sa kanyang Instagram na nakikipag-ugnayan na kung nasaan ang evacuees, ilang barangay at mga pamilya ang nasa evacuation centers. May sumagot naman agad at nagpasalamat kay “Darna.”

FILM PRODUCER NG “MALVAR” IPINAHINTO MUNA ANG SHOOTING PARA MAMUNO SA RELIEF OPERATIONS SA BATANGAS

PINAMUNUAN ng producer ng “Malvar” ang relief operations para sa evacuees na nasa iba’t ibang bayan ng Batangas dala ng pagsabog ng Taal Volcano noong nakaraang linggo, January 12.

Ipinagpaliban muna ni Atty. Jose Malvar Villegas Jr. ang location shooting ng “Malvar,” isang pelikula tungkol sa buhay ng Pambansang Bayani na si Heneral Miguel Malvar sa Batangas, Cavite, Laguna at Rizal dahil sa pagsabog ng Taal Volcano na matatagalan ang epekto, para mamahagi ng tulong sa evacuees sa Batangas.

Ayon sa JMV Film Production na producer ng “Malvar” na nasa pa­ngunguna ng apo ni He­neral Miguel Malvar na si Atty. Jose Malvar Villegas Jr., founder ng Citizen Crime Watch (CCW) at ng Katipunan Kontra-Krimen at Koruption (KKK), itutuloy nila ang location shooting sa Visayas upang hindi maantala ang pelikula na ipalalabas sa darating na Metro Manila Film Festival 2020.

Noong 1911, isa sa pinakamalakas na pagsa­bog ng Taal Volcano na humigit kumulang sa 1,135 ang namatay, si Heneral Miguel Malvar ang namuno ng relief operations upang tulungan ang mga nasalanta ng pagsabog nito, na noong mga taon na iyon ay bumalik na ulit ang magiting na Heneral bilang isang pangkaraniwang mamamayan pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Americano.

Ang pelikulang “Malvar,” ayon kay Atty. Villegas ay sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao na gaganap bilang Hen. Malvar at isang all-star cast sa pamamahala ni Camarines Sur Vice Gov. Imelda Pa­pin, Pangulo ng Actors Guilt of the Philippines, ay ipapakita ang kabayanihan ng mga bayani sa Visayas katulad ni Hen.Pantaleon Villegas, Graciano Lopez Jaena, Hen. Teresa Magbanua, Hen.Alcadio Maxilom, Hen. Aniceto Lacson, Hen. Julio Diaz, Hen. Juan Araneta, Hen.Mateo Luga, Hen.Gavino Sepulveda, Hen. Pantaleon Del Rosario, Col. Eugenio Daza, Hen. Vicente Lucban, Hen.Martin Delgado, Hen. Quintin Salas, Hen. Leandro Fullon at Ramon Avancena.

Samantala, ang JMV Films ay maghahandog ng 20,000 piraso ng surgical mask para sa mga biktima ng pagsabog ng Taal volcano para sa kanilang proteksyon sa panganib na dulot ng ash falls.

Comments are closed.