MATTHEW AQUINO SA NATIONAL TEAM POOL NG JAPAN

NAPILI si Matthew Aquino bilang bahagi ng national team pool ng Japan para sa nalalapit na FIBA World Cup qualifiers.

Ito ang inanunsiyo ng  Shinshu Brave Warriors, ang koponan ni Aquino, noong Lunes ng hapon.

Ang 6-foot-9 na si Aquino,  naglaro ng collegiate basketball sa UAAP,  ay may Japanese citizenship sa pamamagitan ng kanyang lola, na naging daan din para maglaro siya bilang isang local para sa Shinshu.

Napili siya kasama si teammate Yudai Okada, na ayon sa Shinshu ay una para sa  franchise.

“This is the first time in history that a male Japanese national team candidate has been selected from the Shinshu Brave Warriors,” anang koponan.

“I am honored to be selected as a candidate for the Japanese national team,” sabi ni Aquino, anak ni PBA legend Marlou Aquino.

“I am proud of this selection… I will do my best to represent Shinshu well.”

Si Aquino ay naglaro ng collegiate basketball para sa Adamson University at National University.

Nakatakda siyang magsanay sa Japanese national team kung saan may pagkakataon siyang mapili na mapabilang sa koponan para sa FIBA World Cup qualifiers.

Ang training camp ay gaganapin sa November 15-25, kung saan makakaharap ng Japan ang China sa November 27at 28 sa home.